Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/03/2019

226

MAINE MENDOZA

Maine mahilig sa dimples

Kaarawan: Marso 3, 1995

Ang mga Pisces ay kabilang sa mga water signs. Tag­lay nila ang pagiging mapagmahal, sensitive at emosyonal. Sa isang relasyon, may pagka-vulnerable sila subalit kung magiging masigasig ang lalaki ay nakahanda siyang suklian ito ng pagmamahal at suporta nang buong sinseridad.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang mahusay na pagsasalita ang magdadala sa iyo sa magandang puwesto sa lipunan. Kontrolin ang temper. Piliting makatulog ng sapat sa oras para maginhawa ang pakiramdam. Mas magiging produktibo kung kumpleto sa pahinga ang katawan. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung may gusto kang sabihin, gawin ito ngayon. Mas malaki ang tsansang makuha ang malaking proyekto na matagal nang tinututukan. Magkaroon ng kumpiyansa sa mga gusto mong panindigan. Lucky color: Black, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang pakikisimpatiya sa isang taong malapit sa puso ang magpapalalim sa magandang samahan. Huwag isantabi ang ibinubulong ng puso dahil ang taong napupusuan ang maghahatid sa iyo ng unlimited na saya sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Balikan ang mga naunang pangyayari. Dito mo makikita ang naging pagkukulang mo. Ituwid ang mga maling sinabi. Huwag mahiyang mag-sorry para bumalik ang masayang relasyon. Tandaan lamang ang leksyong iniwan nito na magagamit mo sa mga matagal pang hinaharap. Lucky color: Pink, lucky number: 5.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tulad ng sakit, nakakahawa rin ang attitude. Dumistansya sa mga taong negatibo. Kailangan mo ngayon ng isang kasama na magbibigay sa iyo ng direksyon. Stay positive kahit na maraming problema. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas mabuti sa ngayon ang manahimik. Mataas ang tension at mahirap nang may masabi ka na hindi maganda. May tamang panahon para sabihin ito nang hindi makakasakit ng damdamin ng iba. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Bigyan ng chance ang isang taong nagkamali. Walang perpekto kaya maging bukas ang isipan. Ibalanse ang opinion. Hindi sa lahat ng pagkakataon na tama ang mga ideya mo. Lucky color: White, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangan mong maging mas organisado ngayon sa mga bagay. Iwasan ding makisawsaw sa mga eksena na magdudulot lamang ng drama at komplikasyon sa iyong buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isa sa mga kaibigan mo ang may sinasabing hindi maganda sa iyong likuran. Sa halip na magalit, unawain siya at patunayan na lamang sa pamamagitan ng pag-aksyon na mali ang kanyang sinasabi. Mahirap nang pumatol na magdadala lamang ng ma­laking gulo. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Isang pangyayari ang maglalayo sa iyo sa iyong comfort zone. Huwag ilihis sa tunay na isyu ang mga sasabihin. Maging simple at direct to the point sa pagsasalita. Lulutang pa rin ang iyong husay kahit na may malakas na pressure. Lucky color: Green, lucky number: 23.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may kailangang baguhin, kausapin ang kinauukulan. Minsan ay kailangan lamang ng kaunting adjustment. Ibalik ang dating malapit na samahan sa loob ng pamamahay dahil ito ang nagbibigay sa iyo ng lakas. Lucky color: Gray, lucky number: 25.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maaaring hindi maiwasan na magtaas ng boses. Bahagi ito ng tinatawag na healing process. Unti-unti ring tatahimik ang paligid. Bigyang-daan ang mas magandang pakikitungo sa isa’t isa. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.