Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/04/2019

148

Brooklyn Beckham

Kaarawan: Marso 4, 1999

Kaya niyang ipagkaloob ang lahat-lahat para sa kanyang minamahal hanggang sa maging isa na sila. Sa pamamagitan nito ay makakamit niya ang tunay na essence ng ina­asam niyang pag-ibig.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas masarap sa pakiramdamam kung nakakatulong ka sa iyong kapwa. Hindi ito ang oras para pairalin ang pride. Maglaan ng panahon sa sariling mga interest. Kailangan mo ang magkaroon ng balanseng buhay para hindi mabugnot. Lucky color: Brown, lucky number: 39.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming kakaibang kaganapan sa araw na ito pero malalagpa­san mo ang lahat. Walang tensyon kapag kompor­table ka sa mga taong nakapaligid sa iyo. I-enjoy lang ang bawat minuto dahil hindi ito palaging nangyayari sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Baguhin ang hindi magandang habit. Sumubok ng bagong sports. Kailangan mong pawisan at malibang. Isang bagong kakilala ang magiging malapit sa iyong puso. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung walang mabuting sasabihin ay mas mabuting itikom na lang muna ang bibig. Maraming taong maiinis sa iyo kung magyayabang. Manatiling low profile para sa mas tahimik na buhay. Lucky color: Green, lucky number: 7.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nakasentro ang araw sa iyong pamilya. Isantabi muna ang tampuhan na nagaganap. Ikaw ang magsisilbing tulay para magkaayos ang lahat. Pagbutihin ang pagsasalita at pangungumbinsi sa pamilya. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay malakas at matatag ka. Kailangan pa ring magpatulong kung ‘di mo talaga kaya. Huwag paapekto sa bad mood ng mga kasamahan para hindi ka ma-badtrip. Lucky color: Pink, lucky number: 49.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi masusukat ang saya sa mga materyal na bagay. Mas pahalagahan ang pagmamahal ng iyong pamilya at mga kaibigan. Sila ang tunay na nagmamalasakit sa iyo. Bigyan sila ng sapat na atensyon. Lucky color: Gray, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Mag-chill lang muna sa gitna ng malakas na pressure. Maging considerate sa kasamang may mga kahinaaan. Huwag itong gawing batayan para manghusga ng iba. Maging fair sa pakikitungo sa lahat. Lucky color: Red, lucky number: 36.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maaring maging ugat ng tensyon sa mga kaibigan ang isyu ng pera. Hindi masamang magtanong pero kailangan mong maging magalang. Ikaw ang may kailangan kaya’t mas dapat ikaw ang magpa­kumbaba. Lucky color: Violet, lucky number: 21.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pansinin ang kalusugan. Hindi puwedeng bale­walain ang mga kirot at sakit ng katawan. Kaila­ngan mo ng matagal na pahinga para makaiwas sa anumang sakit. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang sikreto ang malalantad at posibleng magdulot ng kahihiyan para sa iyo. Hayaan na lang ito dahil lilipas na lang ang isyu. Pag-aralan ang tunay na nara­ramdaman. Kailangan mong magbitiw ng mabigat na desisyon sa mga susunod na araw. Lucky color: Maroon, lucky number: 54.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Gawing priority ang pribado at personal na isyu. Maka­kabawas sa stress kung mamasyal kahit sandali sa mga bagong lugar. Kailangan mong ma-recharge bago humarap sa bagong kabanata ng iyong buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 22.