Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/05/2019

167

Eva Mendes

Kaarawan: Marso 5, 1974

Ang mga babaeng Pisces ang pinaka-romantiko sa mga zodiac at madalas nawawala sila sa kanilang sarili dahil sa sobrang pagmamahal. Wala silang sinusunod na bounderies o limitasyon dahil para sa kanila minsan lang dumating ang tunay na pag-ibig kaya lagi silang bigay-todo.

Abante Hiring – IT dep

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Importateng umaksyon sa araw na ito. Asahan ang magandang development sa hinihintay na project. Maging kalmado kahit na maraming pressure. Tungkulin mo ngayon na tulungan ang mga kasama sa kanilang ginagawa. Gawing kumportable ang paligid. Lucky color: Maroon, lucky number: 27 .

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mistulang manghuhula dahil nangyari ang mga sinasabi. Ilang kaibigan ang lalapit at hihingi ng iyong payo. I-offer ang magandang opinyon pero hindi lang ikaw ang dapat magdedesisyon. Lucky color: Gold, lucky number: 51.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maiisip ang mga maling nagawa. Hindi pa tapos ang laban kaya may panahon pa para magbago. Sa unang pagkakataon, sundin ang sinasabi ng damdamin dahil hindi ka nito dadalhin sa maling direksyon. Lucky color: Brown, lucky number: 32.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Bigyan ng pagpapahalaga ang iyong sarili. Kumain ng paboritong pagkain at puntahan ang lugar na madalas na dalawin. Walang ibang mag-aalaga sa iyo kundi ikaw. Ugaliin ang pagbibigay ng regalong ito sa iyong sarili. Lucky color: Gray, lucky number: 15.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kelan ka pa huling nagpakasaya? Hindi kailangan ang matagal na plano para sa gustong bonding ng pamil­ya. Sa halip na tumawag, mas mabuting dalawin ang mga mahal sa buhay. Masosopresa sa hatid nitong tuwa sa iyong puso. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa kabila ng matinding galit na nararamdaman ay buksan ang iyong puso sa pagpapatawad. Ito ay kung gusto mong alisin ang mga negative vibes sa paligid. Gawing ang nararapat kahit na marami ang nagpaparinig sa iyo. Pagpapalain dahil sa kababaang-loob. Lucky color: Silver, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Aralin ang mga sitwasyon. Timbangin ang tama at mali. Walang ibang puwedeng sisihin sa mga nangyari. Sadyang may mga itinakda na wala sa ating control. Piliting ngumiti kahit na iritable. Lucky color: White, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mahihirapan kang itago ang isang sikreto. Kausapin ang taong may kinalaman sa mga alalahanin. Kailangang mapaglabanan ang matinding lungkot. Maglagi muna ngayon sa labas ng bahay para ma­libang. Isuot ang paboritong damit. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mas madaling matatanggap ang katotohanan kung manggagaling ito mismo sa iyo. Diretsuhin ang gustong sabihin. Matatapos din ang mga problema kung gagawa ng aksyon. Mahirap iasa sa iba ang responsibilidad. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May diskusyon na pagmumulan ng gulo. Kalmadong harapin ang mga pangyayari at iwasang pairalin ang emosyon. Magtiwala sa taong pinag­huhugutan mo ng lakas dahil wala itong masamang gagawin sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 29.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magbago ng style ng damit. Magpagupit din ng buhok. Sopresahin ang mga kaibigan sa iyong new look. Maraming naghihintay sa hinaharap dahil sa bagong outlook. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Alala­hanin ang mga naitulong sa iyo ng ilang indibid­wal.
Kailangang maramdaman nila na bahagi rin sila ng iyong tagumpay. ‘Wag makalimot lumingon sa pinanggalingan. Magpasalamat din sa malaking tulong. Lucky color: Green, lucky number: 9.