Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/06/2019

164

Shaquille O’Neal

Kaarawan: Marso 6, 1972

Siya ang klase ng tao na mahirap makalimot. Matatandaan niya ang lahat kahit na ang ma­liliit na detalye. May extra ordinary talent sa art industry at isa sa mga intelektuwal na zodiac sign.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag painitin ang maliit na tension. Pag-usapan agad ito at i-settle. Wala kang sapat na pinanghahawakan kaya ‘wag magbintang. Lawakan pa ang pang-unawa at piliing umiwas sa anumang alitan. Lucky color: Red, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag ipilit ang gusto kung marami ang tumututol. May mga bagay na mahirap ipaliwanag. Tiyakin ang magandang benepisyo ng bagong diet plan. Makiayon sa pangyayari at darating ang takdang panahon na mali­liwanagan ka. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Dumarami ang tagahanga mo. ‘Wag sanang lumaki ang ulo sa atensyong natatanggap. May mga totoo at meron din nagpapanggap na mga kaibigan. Maaari kang malagay sa isang kompromiso kung hindi mag-iingat. Lucky color: Maroon, lucky number: 43.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Maiwasan ngayon ang problema sa komunikasyon. Linawing mabuti ang mensahe mo. Mahirap na magbigyang ibang kahulugan ang mga ginagawa. Lucky color: Brown, lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi lahat ng negatibong resulta ay nanngangahulugan nang isang pagkatalo. ‘Wag panghinaan ng loob, darating ang tamang araw at magandang pagkakataon para sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 45.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang sitwasyon ang biglang magpapabago sa iyong isipan. Mabigat man ang bagong responsbilidad ay makakaya mo ito dahil sa suporta ng pamilya. Manatiling kal­mado at ‘wag munang magpakita ng matinding emosyon. Lucky color: White, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Tanggapin na kailangan mo pa rin ang tulong ng iyong pamilya. Kalimutan muna ang pride. Mas marami kang matatapos kung magiging masaya sa iyong ginagawa. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kahit ang pinakarebeldeng tao ay makakayang magbago. Ikaw na ang mamagitan. Ang kagaya mo na bana­yad magsalita ang taong kailangan nga­yon. Huwag palagpasain ang magandang oportunidad. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag nang ipagpabukas ang ginagawa. Pahalagahan ang libreng oras. Maraming mahalagang mis­yon kaya ‘wag basta sumuko sa matitinding problema. Lucky color: Gray, lucky number: 6.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Makakayanan mo ang isang pagsubok. Mag-ingat sa dinaraanan. Importante ang prinsio kaya huwag magpaimpluwensya sa iba. Magtiwala sa sari­ling kakayahan. Lucky color: White, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May ilang hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong partner. Magpalamig muna. Mahirap nang magkasalubong ang inyong galit dahil maraming masasabi na makakasakit sa isa’t isa. Lucky color: Black, lucky number: 1.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi puwedeng ipilit ang pagmamahal, kailangang galing ito sa puso. Tanggapin kung hindi talaga kayo para sa isa’t isa dahil may isang nilalang na para sa iyo. Hindi mo man ito hanapin, kusa itong lalapit sa iyo sa takdang panahon. Lucky color: Green, lucky number: 51.