Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/07/2019

128

Gerald Anderson
Kaarawan: Marso 7, 1989
Charming at romantiko. Dahil sa pagiging water sign, may pagkamahiyain din at emosyonal. Madali silang paki­bagayan dahil sa kanilang paiba-ibang mood.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang paggawa ng kabutihan ay may magandang gantimpala. Gawing prayoridad ang sariling kalusugan. Iwasang magkamali sa mga sasabihin para hindi malagay sa alanganin. Lucky color: Gray, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag matakot lumakad sa napiling direksyon. Kung patuloy na iiwasan ang bawat kinatatakutan, maaaring ma-stuck ka na lamang sa iisang lugar. Bigyan ng tsansa ang mga pagbabago. Lucky co­lor: Green, lucky number: 48.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kaila­ngang manaig ang diplomasya. Mas makakakuha ng respeto ng mga kasama kung mababa lang ang tono ng boses. Kung may nais bigyan ng diin, idaan ito sa maayos na usapan. Lucky co­lor: O­range, lucky number: 55.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi kailangang ma-guilty kung gusto mo naman ang iyong ginagawa. Iwasang magparinig. Hindi magandang asal ang nagsasalita sa likuran ng mga kaibigan. Kung ayaw mo na sa kanila ay umiwas na lang. Lucky color: Yellow, lucky number: 6.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Sa araw na ito, importante ang pagtitiis. Normal lang na may mga araw na feeling low bat ka. Ang gawin ay kumain nang sapat at magpahinga. May mga kailangang pagdaanan na bagama’t may komplikasyon ay kaya mo namang lagpasan. Lucky color: Red, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Tiwala sa sarili ang kailangan. Kailangang ipakita na ikaw ang boss ngayon. Umiwas muna sa anumang kumpulan na magdadala lamang sa iyo ng gulo. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mahalaga ang hawak na impormasyon. Paka­ingatan ito dahil darating din ang panahon na kailangan mo na na itong sabihin o ilantad. Huwag sirain ang pagtitiwala na mahirap nang makuha sa mga panahon ngayon. Lucky color: Silver, lucky number: 55.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangan mo ngayong pumili sa dalawang tao na malapit sa iyong puso. Isa sa kanila ang tunay na nagpapasa sa iyo. Aminin ito at ipaglaban. Lucky color: Yellow, lucky number: 36.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Umiwas sa anumang komprontasyon. Hindi ito magbibigay ng anumang magandang resulta. Baka mauwi pa ito sa sakitan kung papatulan. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kahit plantsado na sa isip mo sa isang plano, kailangan mo pang ring humingi ng payo kung may duda. Kailangang sigurado ka kahit sa maliliit na detalye. Mas mabuti nang sigurado kaysa pumalpak. Lucky color: Green, lucky number: 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May kakaibang saya ang mararamdaman kung maglalagi sa labas ng bahay. Lumapit sa mara­ming halaman at mga puno. May hatid itong energy na mahirap ipaliwanag. May makukuha kang benepisyo sa preskong hangin at init ng araw. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maraming isyu sa iyong paligid, pero hindi mo ito kailangang isa-isahin. Ihanda ang magandang damit dahil may party na pupuntahan. Mag-effort dahil ngayon lang mapapansin ang beauty mo. Lucky color: Silver, lucky number: 9.