Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/08/2019

150

Robert Jaworski
Kaarawan: March 8, 1946
Makakasundo niya ang mga Cancer, Scorpio, Taurus, at Capricorn. Mahilig mag-day dream. Sa isang saglit ay kaya niyang tumakas sa reyalidad para mapunta sa lugar na gusto niya. kung saan siya magiging malaya at masaya.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makakakuha ng inspirasyon sa mga libro o tula na isinulat. Kausapin ang mga kaibigan na may katulad ng interes. May mga insights kung paano makakamit ang mga pangarap. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May lilitaw na bagong kaalaman o talent. Pag-isipang mabuti ang plano na pagpapalit ng trabaho. Nasa harapan lang ang oportunidad kung maghahanap. Kung seryoso sa career change, ngayon ang tamang timing para gawin ito. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – I-pursue ang mga bagong kaalaman. Masosopresa sa matutunan at sa magagawa. May motibasyon sa anumang ginagawa. Samantalahin ang good vibes sa paligid. Lucky color: Blue, lucky number: 49.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Yayain ang ilang kaibigan sa isang salo-salo at masayang kuwentuhan. May importanteng proseso na kailangang pagdaanan. Isulat ang mga lilitaw na ideya para hindi makalimutan. Lucky color: Silver, lucky number: 31.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May imbitasyon na matatanggap mula sa isang kapitbahay. Sa pag-uwi sa bahay piliting gumawa ng kahit maikling ehersisyo para luminaw ang isip. Kung hindi ito gagawin posibleng mahirapan kang matulog ngayong gabi. Lucky color: Brown, lucky number: 6.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Makakaramdam ng kakaibang saya kapag nakakatulong ka sa iyong kapwa. Baka may talent ka sa pagtuturo? Magplano. Kahit na sigurado ka sa gustong gawin ay mas mabu­ting isangguni din ito sa pamilya. Lucky color:­ Gray, lucky number: 2.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magiging mabilis ang takbo ng iyong lovelife. Iwasan ang pagpaplano ng sobra-sobra. Mahirap nang ma-dissapoint kalaunan. Kung kaya mo naman, makuntento na lang muna sa kung ano ang dumarating sa iyo kada araw. Lucky color: White, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag pilitin ang sarili sa isang bagay na hindi ka sigurado. Kung gusto mo, subukan ito ng ilang araw at saka na magdesisyon. Mas mabuti na alam mo ang papasukin mo kaysa masadlak sa isang bagay na wala nang balikan. Lucky color: Gold, lucky number: 2.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Malakas ang suporta ng mga kaibigan. Kung sobrang naiinip, magbasa ng mga libro tungkol sa mga paboritong topic. Kailangan mo ng bagong motibasyon. Pasyalan ang paboritong lugar at baka sakaling mahanap ang kapayapaan na hina­hanap. Lucky color: Green, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang kaibigan ang magtuturo kung paano madadagdagan ang kita. I-double check muna ang mga hawak na impormasyon. Mag-effort kung gusto mong maa­yos nang maaga ang gulo sa pamilya. Lucky color: Pink, lucky number: 15.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Subukang mag-yoga para ma-relax. Mas magandang sumubok ng bagong routine na kailangan ng physical exercise. Yayain ang mga kaibigan para may kasama. Lucky co­lor: Violet, lucky numbe: 56.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maging praktikal. Gamitin ang oras sa usapang negosyo. Una sa lahat, alamin ang interes para dito ka magsisimula. Hindi ka magkakamali kung planado ang bawat ideya at galaw. Lucky color: Orange, lucky number: 50.