Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/09/2019

193

Alodia Gosiengfiao

Kaarawan: Marso 9, 1988

Ang mga babaeng Pisces ay may matinding pangangailangan na sila’y mahalin at pahalagahan. Kapag naramdaman nila na ‘taken for granted’ na sila ay madali silang nasasaktan. Kailangan maging maingat sa pakikitungo sa kanila dahil sa pagiging sensitibo at maramdamin.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas lumalalim ngayon ang relasyon. Magandang senyales ito ng maayos na samahan. Dagdagan pa ang effort kung nais na mapasaya ang kasuyo. May isang pagdedesisyon na susukat sa iyong kakayahan. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi mo agad makikita ang maganda o advantage ng isang desisyon. Dagdagan pa ang pagtitiis at gamitin ang magandang pagkakataon para maiayos ang iyong buhay. Nasa iyong mga kamay nakasalalay ang magandang future. Lucky color: Silver, lucky number: 13.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May oportunidad na ilalapit ang araw pero baka mapalagpas mo dahil lang sa init ng ulo. Kailangan mong maging bukas sa ibang ideya. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Medyo atrasado ang dating ng mga balita. Huwag isisi sa ibang tao ang naging kapalaran. Kailangang mag-adjust lang sa ilang nailatag na plano para makahabol. Lucky color: Green, lucky number: 6.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May mahirap na sitwasyong kailangan mong pagdaanan. Pilitin itong malagpasan dahil dito nakasalalay ang magiging sitwasyon sa mga darating na araw. Buksan ang isip sa anumang mga pagbabago. Lucky color: Violet, lucky number: 53.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Marami ang tiwala sa iyong kakayahan. Huwag sanang biguin ang mga naniniwala sa iyo. Dagdagan ang pagsisikap at lakasan ang loob. Solo mo ngayon ang laban sa buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 42.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangang ng ‘give and take’ sa samahan. Kung kailangan mo ng suporta, dapat kang magsalita ngayon. Gamitin ang utak sa pagdedesiyon sa iyong career path. Lucky color: Gray, lucky number: 20.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mahirap tumanggap ng pagkakamali pero ito ang dapat na gawin. Huwag sanayin ang sarili na umasa sa payo ng iba. Magdesisyon ng sarili para sa iyong kabutihan. Lucky color: White, lucky number: 1.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May pagkakataong makasama mo ngayon ang mga taong malapit sa puso mo. ‘Wag silang pagkaitan ng panahon at atensyon. Guwawa ng paraan para matupad ang mga pangako mo sa kanila ngayong araw. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Makisama muna sa agos. Walang mapapala kung kokontra dahil sasakit lang ang ulo mo. Magagamit mo ang pagkakataong ito para mapalapit sa mga mahal sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May adjustments na dapat ipatupad. Mauuwi sa malaking bangungot ang relasyon na alam mo na mali sa umpisa pa lang. Gumising ka at itama ang mga maling gawain. Lucky color: Red, lucky number: 5.