Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/10/19

204

Jojo Lastimosa

Kaarawan: Marso 10, 1964

May malakas na pakiramdam lalo na tungkol sa pag-uugali ng taong nakikilala. Popular sa kanyang mga kaibigan dahil madaling pakisamahan at matulu­ngin. Maraming nagiging kaibigan sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kaila­ngan mong manindigan kung gusto mong maging masaya. Isang espesyal na kaibigan na tunay na nagmamalasakit. Bigyan ng pagpapahalaga ang oras na ibinibigay nito sa iyo. Iwasan ang pagiging masu­ngit. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang pagsisi ay laging nasa huli. Gayunpaman, may pagkakataon ka pang maitama ang pagkakamali. Ikaw na ang kumilos at huwag nang maghintay ng ibang tao ang gumawa nito. Walang oras na dapat sayangin. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Masyadong maiksi ang pasensya sa araw na ito. Hindi malayong may makasamaan ng loob. Pairalin ang tamang katwiran. Lucky color: Brown, lucky number: 14.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Alam mo kung ano ang makakabuti para sa iyo. Pero kung may duda ka sa iyong desisyon, komunsulta sa mas nakakatanda. May masasakit na alaala ang babalik sa isipan. Hayaan lang itong lumipas. Lucky color: White, lucky number: 52.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas maa-appreciate ang mga libreng oras. Pero mas higit na may kabuluhan ang oras na iniuukol sa mga mahal sa buhay. Habang kasama mo pa sila, ipakita sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagmamahal. Lucky color: Blue, lucky number: 25.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung hindi ka komportable sa lugar na kinalalagyan ay magsalita ka. Mahirap magtrabaho kung hindi ka masaya. ‘Wag mangamba, makakaunawa ang mga tunay mong kaibigan sa iyong nararamdaman. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi maikakaila ang atraksyon sa isang tao na malapit sa iyong puso. Ipursige ito kung walang sinumang natatakapan. Ikunsidera lang mga bagay para sariling katahimikan ng kalooban. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Nasasakal sa kasalukuyang relasyon. Nasa malayo ang nilalakbay ng isip. Malabo ang koneksyon sa isa’t isa kaya’t huwag nang ipilit pa. Lucky color: Maroon, lucky number: 49.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May kailangan kang lutasin sa iyong sarili. Marami kang tanong pero alam mo naman ang mga kasagutan. Huwag mamuhay sa kasinungalingan na magsasadlak din sa iyo sa kasawian. Magpakatotoo ka na. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – May mga pagdududa na maaaring makasakit ng damdamin. Alamin ang dapat na gawin. Maging parehas sa mga taong sangkot sa isyu. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang magagandang pangyayari sa iyong buhay ay resulta ng matagal na sakripisyo. Magiging masaya ang buong araw. Isantabi muna ang mga problema. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kumalma sa sitwasyong kinasusuungan mo. Walang mahahanap na kakampi sa laban na ito. Resulta lamang ito ng isang marahas na desisyon na sa kalaunan lamang maiintindihan ng mga kasama. Doblehin ang pagti­timpi. Lucky color: Red, lucky number: 40.
Attachments area