Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/11/2019

211

Bianca Gonzalez
Kaarawan: Marso 11, 1983

Masikreto ang mga babaeng Pisces. Matalas silang mag-isip at may pagka-romantiko. Kasing-lalim ng dagat ang kanilang emosyon bagama’t hindi nila ito ipinakikita sa iba.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang isang katanungan ay masasagot ng isang tao na malapit sa iyo. Kailangan mo lamang maging open-minded. Alamin ang pros at cons ng gagawin. Mahirap nang mabigla nang walang kalaban-laban. Lucky color: Green, lucky number: 50.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang tagum­pay ay hindi nasusukat sa dami ng pera. ‘Wag sa­yangin ang pagkakataon na mapalalim ang mga koneksyong ito. Magagamit mo ito sa iyong career sa hinaharap. Lucky color: Blue, lucky number: 23.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Dumating na ang tamang oras para magdesisyon tungkol sa magulong relasyon. Hindi na healthy para sa iyo ang sorbrang pag-aalala. Tapusin na ang paghihirap na ikaw lamang ang makakalutas. Kailangan lamang ang kalmadong pakikipag-usap. Lucky color: Brown, lucky number: 47.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Posibleng mahirapan ka kung aakuin ang lahat ng res­ponsibilidad. Maging sensitive sa pangangaila­ngan ng kapartner. Maging extra sweet para ma­kabawi sa pagkukulang. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May good news sa isang mensahe. Isang taong malapit sa puso mo ang magtatapat ng saloobin. Matagal mo na itong hinihintay kaya’t paghandaan. May dahilan para mag-celebrate kasama ng mahal sa buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 2.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May isa o dalawang tao sa buhay mo ang malungkot ngayon. Damayan sila at bigyan ng suporta hangga’t maaari. Makinig sa kanilang mga hinaing. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ‘Wag sayangin ang oras sa mga bagay na imposibleng mangyari sa ngayon. Maging realistic upang hindi mabigo. Tanggapin na may mga bagay na wala sa iyong control. Lucky color: Orange, lucky number: 30

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mahihirapan kang kumbinsihin ang isang tao kung ikaw mismo ay hindi naniniwala sa bagay na itinutulak mo. Ayusin ang diskarte. Hindi lahat ng tao sa paligid ay kaya mong utusan. Mas mabuting magpakumbaba. Lucky color: Black, lucky number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Itapon muna ang pride. Mas mahalagang mabuo ang pamilya kahit na may iba-ibang paniniwala. Ikaw ang manguna sa pakikipag-usap. Mas makikinig sila sa iyong sinasabi. Lucky color: Blue, lucky number: 2.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May nawawalang gamit na hindi mo napapansin. Ibig sabihin nito na malayo ang isip kaya’t hindi mo alam ang nangyayari sa paligid. Huwag sagarin ang katawan dahil tao ka na napapagod at kailangang magpahinga. Lucky color: Blue, lucky number: 29.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung pagbabago ang hanap mo, maibibigay ito sa iyo sa isang job offer sa malayong lugar. Pag-isipan muna ito at huwag tanggihan agad. Makikita mo ang malaking tulong nito sa iyong future. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mapanghamon ang araw na ito at kailangan mong magpakitang-gilas. Tungkol sa lovelife, ikonsidera ang commitment na matagal mo nang pinag-iisipan. Nasa tamang edad na para magseryoso sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.