Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/12/2019

270

Andrea Brillantes
Kaarawan: March 12, 2003

Kilala ang mga babaeng Pisces sa pagiging konserbatibo o makaluma. Pero sa kabila nito ay matalas silang mag-isip at may malalim na kaalaman sa maraming bagay. Disiplinado at mapagbigay. Kailangan mo silang makasama bago mo mahuli ang itinatakbo ng kanilang isip at emosyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas nagiging paborable sa iyo ang mga pangyayari. Pero huwag agad magsaya, magmasid-masid muna. Sumubok sa mga bagong hobby na puwedeng pagkakitaan sa hinaharap. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Malalagay ka ngayon sa isang sitwasyon na kailangan mo na mamili agad. Nakasalalay dito ang iyong buhay-pag-ibig. Makinig sa opinyon ng iba na may mas malawak na karanasan kaysa sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 2.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sa isang sensitibong isyu, kailangan ang opinyon na talagang pinag-aralan. Umiwas sa samaan ng loob. Kalma lamang kung may gusto kang komprontahin na tao. Lucky color: Brown, lucky number: 12.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahihirapang magtrabaho kung may bigat sa puso. Magdasal nang mataimtim. Peace of mind ang hanap mo sa mga panahon ngayon. Bagamat mahirap itong hanapin, puwede mo itong maramdaman kahit sa sulok lang ng bahay mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kaya mong mapasaya ang mga kasama mo. Ipakita sa ibang tao na masayahing tao ka at hindi seryoso. Mas maraming makikilalang kaibigan kung magiging pala-smile. Lucky color: Green, lucky number: 5.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi ka masyadong inspirado sa nangyayari sa kasalukuyan. Matindi ang kalungkutan. Subalit hindi ito dahilan para sumuko. Maghintay ng magandang ­timing para simulan ang mga plano. Lucky color: Red, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi lamang love interest ang puwedeng pagmulan­ ng inspirasyon. Puwede itong manggaling kahit sa isang kaibigan. Hindi masamang magsabi ng iyong mga saloobin sa taong pinagtitiwalaan. Gagaan ang iyong kalooban. Lucky color: Blue, lucky number: 39,

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Malaki ang magagawa mo para gawing positibo ang pananaw sa buhay ng kakilala. Damayan muna ito at samahan. Ikaw ang magsisilbing lucky charm na pasasalamatan sa kalaunan. Lucky color: Orange, lucky number: 30

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May papel na gagampanan ang ilang kasamahan sa iyong lovelife. Pagsabihan ang taong nakakasakit ng kalooban. Kailangang matanggap ang mga elemento na pabigat sa iyong buhay. Lucky ­color: Violet, lucky number: 24.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas nakikita mo ngayon ang kamalian ng iba. Sa halip na dedmahin, kausapin ito nang malumanay. Huwag magpanic dahil maayos din ang gulong kinasasangkutan. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ipaliwanag nang maayos ang iyong katwiran. Balikan ang dating lugar na naghahatid sa iyo ng tuwa. Palagpasin na lang ang maliliit na kamalian ng kasuyo. Sa halip mas bigyan ng importansya ang magagandang nagawa nito sa relasyon. Lucky ­color: White, lucky number: 4.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magi­ging mas malinaw sa iyo ang lahat. Sa isang iglap ay mawawala ang tamlay ng katawan. Sadyang may panahon na wala sa mood. Kumain ng tama at masustansyang pagkain. Lucky color: Silver, lucky number: 18.