Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/15/2019

194

Maggie Wilson
Kaarawan:
Marso 15, 1989

Sa pamamagitan ng pagtulong, nakakaramdam ng inner peace ang mga babaeng Pisces. Likas sa kanila ang pagdamay sa iba at madalas kahit kulang din sila ay nagagawa pa nilang ibigay ang anumang meron sila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nasa iyong mga kamay ang ikakalutas ng problema. Kung mahalaga sa iyo ang taong ito, ipaglaban ang pagmamahal. Kailangang paghirapan din ang anumang bagay na gustong abutin. Lucky color: Pink, lucky number: 27.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi makakatulong kung mag-iinit ng ulo. Gawin na lang muna ang inutos na trabaho. Marami pang mas importanteng dapat pag-ukulan ng pansin kaysa magalit. Lucky color: ­Violet, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May posibilidad ang isang bagong romansa. Pakiramdaman ang taong laging lumalapit. May gusto itong sabihin na hindi masabi. Kung mutual ang nararamdaman ay huwag nang magpaki­pot pa. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Makinig sa totoong taong nagmamalasakit sa iyo. Maraming umaaligid pero may kuwestiyonableng hangarin. Minsan ka nang nasaktan kaya’t huwag na itong hayaan maulit dahil sa maling desisyon. Lucky color: White, lucky number: 14.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang katatagan at lakas mo ang nagbibigay ng inspirasyon sa iyong pamilya. Huwag silang biguin. Kung nahihirapan ka man, mag-rest lang muna pero huwag sumuko. Lucky ­color: Blue, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Malalaman mo rin ang katotohanan. Pero maging handa sa anumang consequences. Kailangan mong tingnan ang mas malaking picture. Makatutulong ang bahagyang pagdistansya sa isyu para makapag-isip. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May seryosong responsibilidad na hindi dapat kaligtaan. Maaaring may kinalaman ito sa pamilya. Mahirap man ang sitwasyon, lakasan ang loob para malagpasan. Lucky color: Maroon, lucky number: 29.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Dagdagan ang pagtitiyaga. Malapit nang makakita ng positibong resulta ng pagsisikap. Sa halip na magreklamo ay mas mabuting magpasalamat na lang sa tulong. Makinig sa mga paalala. Lucky color: Green, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kapag masyadong mataas ang expectations ay mas malakas ang tsansang mabigo. Lumagay lang sa tamang lugar. Pero kung dadagdagan din ang sipag, mas magandang bukas ang maaasahan. Lucky color: Orange, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iparinig ang iyong opinyon. Hindi ito ang oras para manahimik. Maraming bagay na kailangang ayusin. Isa-isahin ito hanggang sa makuha ang gustong mangyari. Harapin na agad ang isyu para matapos na. Lucky ­color: Pink, lucky number: 54.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May kukuwestyon sa iyong desisyon. Gawing simple lang ang sagot. Kung hindi naman siya importante, dedma lang at ‘wag padala sa distraksyon. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ituring na lamang na adjustment ang paninibago sa trabaho. ‘Wag paapekto sa mga paninira ng iba. Gawin ang dapat gawin para maging kampante sa kinalalagyan. Lucky color: White, lucky number: 5.