Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/16/2019

0 118

Aubrey Miles
Kaarawan: Marso 16, 1978
Mas gusto niyang magsulat ng tula at kumanta kaysa lu­mabas ng bahay. Hindi sila masyadong mahilig sa materyal na bagay. Mahalaga sa kanila ang oras na ibinibigay sa kanila. Sapat na ito para sila mapasaya nang lubos.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ma­ging matalino sa taong kakampihan. Mahirap nang pumalso sa pagkaka­taong ito. Maaring madiskaril sa iyong mga plano kung hindi mag-iingat. Kilalaning mabuti ang mga kaibigan. Lucky color: Silver, lucky number: 12.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Bigyan ng panahon ang kalusugan. Umiwas muna sa stress. Alalahaning hindi mo kakayanin ang magkasakit. Pasayahin ang sarili. Lumabas at mamasyal para malibang. Lucky color: Orange, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangan mong maging realistic at praktikal sa mga plano. Huwag nang hangarin pa ang mga imposible. Madali namang bumangon muli kung iyong gugustuhin. Lucky color: Red, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – I-enjoy ang atensyon na ibinibigay sa iyo. Kung nararamdaman mo na nababalewala ka, kabaligtaran naman ang mangyayari ngayon. Mistula kang reyna na ang bawat gustuhin ay makakamit. Lucky color: White, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong malaman kung sino ang taong kumakalaban sa iyo. Nagpapanggap itong malapit na kaibigan. Matagal na itong may masamang balakin sa iyo. Doblehin ang pag-iingat. Lucky color: Blue, lucky number: 29.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ‘Wag paapekto sa mga taong ang layunin lamang ay sirain ang iyong diskarte. Kung alam mong nasa tama ka, tumuloy ka lang sa ginagawa. Ngayon ang tanging pagkakataon para maiangat muli ang sarili sa pagkalugmok. Lucky color: Maroon, lucky number: 46.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung may isang bagay na matagal mo nang ipinagpaliban, ngayon na ang tamang oras para gawin ito. Mahirap pakawalan ang maganang oportunidad. Maaaring ito ang maging simula nang panibagong suwerte. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Tulungan ang isang taong lumalapit sa iyo. Minsan mo na itong tinanggihan pero muling lumalapit dahil ikaw na lang kanyang pag-asa. Isi­pin na lang ang magandang sukli nang bukal sa loob ng pagtulong. Lucky co­lor: Maroon, lucky number: 17.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mapangha­mon ang araw lalo na sa iyong career. Maraming kuda na maririnig kaya’t mas mabuting magtakip na lang ng dalawang tenga. Manatiling kalmado, lilipas din ang lungkot na nararamdaman. Lucky color: Brown, lucky number: 41.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –– Mahirap ngayon ang maki­pagnegosasyon. ‘Wag munang ilantad ang mga hawak na baraha. Mas makabubuting makiramdam muna para matimpla ang mga dapat na gawin. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –– Kapag sigurado ka na sa gusto mong makamit, ito ang pagsikapan. Kalimutan muna ang anumang negatibong pakiramdam. Malaki ang papel na gagampahan ng pamilya sa iyong mga adhikain sa buhay. Lucky color: Silver, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kakabiliban dahil sa maayos na diskarte sa buhay. Huwag pigilan ang nararamdaman. Ang taong nagpapasaya sa iyo ngayon ang magiging fore­ver mo. Pag-ingatan na ito at huwag nang pakawalan pa. Lucky color: Maroon, lucky number: 17.