Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/18/2019

348

Bianca King
Kaarawan: Marso 18, 1985

Isang babae na matindi ang paninindigan. Hindi madaling matinag sa kanyang pinaniniwalaan. Mada­ling kausap at kagiliwan dahil sa kanyang mga kuwento na puno ng inspirasyon at po­sitive vibes.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mahirap gumalaw kung hindi ka nakapokus sa dapat mong gawin. Lumayo muna sa mga distraksyon. Kailangan mo ngayong busisiin ang bawat detalye dahil nakasasalay dito kung magiging regular ka sa work o hindi. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang opsyon ang posibleng lumitaw sa hindi mo inaasahang oras. Agapan ang anumang hindi pagkakaunawaan sa loob ng relasyon. Kailangang maging extra sweet sa kasuyo para maiparamdam ang pagmamahal. Lucky color: Gold, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Gusto mong mag-share sa mga kaibigan pero hindi mo alam kung paano ito gagawin. Mas mabuting imbitahan sila sa isang salu-salo para maging mas malapit sa isa’t isa. Subalit hindi naman lahat ay positibo dahil may isang kaaway na lilitaw. Lucky color: Red, lucky number: 26.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Pakinggan ang dalawang panig na may gustong ipaliwanag sa iyo. Mas makakabuting huwag na lang kumampi kahit kanino. Mas mabuti na ikaw ang maging daan para magkaisa at matapos ang iringan. Lucky color: Orange, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makakaramdam ng pagkainip. Buhayin ang mga dating hobby o interes. Kailangang mapaglabanan ang lungkot. Walang ibang makakatulong sa iyo kundi ang sarili. Tibayan ang loob sa mga pagsubok. Lucky color: Maroon, lucky number: 42.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magi­ging super busy ngayong araw. May hinahanap ka na positibong resulta pero hindi mo ito makita sa ngayon. Maghintay pa ng ilang araw at magugulat na lang sa darating na malaking sopresa. Lucky color: Red, lucky number: 43.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Matindi ang kagustuhan mong mangibang bansa pero takot ka pang sumugal sa ngayon. Anuman ang gusto mong tahakin sa iyong buhay ay magdadala ng suwerte. Kailangan mo lang ng lakas ng loob. Lucky color: Silver, lucky number: 35.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging solido sa inilalabang opinyon. Mas magiging epektibo kung ilalayo ang sarili sa sobrang imahinasyon. Maging realistic sa pag-iisip. Mahirap mabuhay sa huwad na pag-asa. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Gustuhin mo mang tuparin ang lahat ng responsibilidad, ay hindi mo ito makakaya dahil sa isang komplikasyon. Maaaring may kinalaman ito sa isang perso­nal na problema. Magpalamig muna. Lucky color: Gray, lucky number: 29.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May kalabuan ang mga mensaheng naipararating sa iyo. I-double check ito para hindi magkaroon ng maling reaksyon. Malayo ang itinatakbo ng isipan kaya’t hindi maka-focus. Lucky color: White, lucky number: 2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung mas­yadong maliit ang natatanggap mong kompensasyon kesa ibinubuhos mong efforts, kailangan mo nang mag-isip. Mahirap malagay sa alanganing sitwasyon. Kaila­ngan mong mabuhay at lumaban. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mababaling ang atensyon sa isang pamilyar na mukha. Maraming magbabalik na dating alaala. May mahalagang papel ka na kailangang gawin. Kausapin agad ang taong natarayan nitong nakalipas na araw. Lucky color: Blue, lucky number: 6.