Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/19/2019

443

Julia Montes
Kaarawan: Marso 19, 1995

Palaban at hindi basta nagpapatalo. May pagpapahalaga sa isang salita. Ayaw niya sa mga taong salawahan at manloloko. Sa isang simpleng pagkakamali ay maaring mawawala rin agad ang pagtitiwala niya sa isang tao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung gusto mong maging mas matagumpay, mabuting magpakumbaba. Hindi pinagpapala ang taong masya­dong mataas at mayabang. Mahirap nang maiwan sa ere dahil lamang sobrang tiwala sa sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 35.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag isuko ang magandang nasimulan. Sa una lang ito mahirap. Kalaunan ay magagamay din ang trabaho. Kung gusto mong mabago ang iyong buhay, huwag katakutan ang malaking hakbang. Lucky ­color: Green, lucky number: 2.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangan mong maging mas praktikal ngayong araw na ito. Maraming ilalatag sa iyo na opsyon. Galingan ang pagpili. Isipin ang magandang dulot nito hindi lang sa iyo kundi maging sa mga mahal sa buhay. Lucky color: Orange, lucky number: 42.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Gaano man kagaling ang isang ideya kung hindi naman ito organisado, balewala rin ang mga paghihirap. Gawing sistematiko ang approach. Ipakita na seryoso ka sa iyong trabaho. Lucky color: Gray, lucky number: 49.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Madidismaya sa isang balita. Huwag nang malungkot. Hindi nasusukat ang tagumpay sa dami ng pera. Ang importante ay masaya ka sa iyong ginagawa sa araw-araw. Lucky color: Blue, lucky number: 7.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa halip na magalit ay yakapin na lang ang taong nakagawa nang hindi maganda. Bigyan ng oras ang sarili para makapagpahinga. Isang tao na dating iniiwasan ang makakatulong sa iyo sa dakong huli. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas madaling matatapos ang mga gawain kung tatanggapin ang tulong na iniaalok sa iyo. Lunukin na ang pride at makipagkasundo. Mahirap mag-isa. Kailangan mo ngayon ng maraming makakasama sa bahay. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi ito ang araw para pairalin ang pride. Mas marami kang maa-accomplish kung gagamitin ang karisma. May isang tao ang tila magmamarunong sa iyo ngayon. Makinig pero mas ikaw ang dapat masunod. Mas alam mo ang ginagawa mo kaya magtiwala sa sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ilang kaibigan ang posibleng makasagutan. Huwag personalin ang mga napag-uusapan. Para ito sa iyong kabutihan. Unti–unti nang napapabayaan ang trabaho dahil sa barkada. Mag-isip-isip. Lucky color: Pink, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Lawakan ang pang-unawa at dagdagan pa ang pasensya. Tapos na ang mga pabigat na responsibilidad. Hindi lahat ng tao sa paligid mo ay madaling maka-pick up ng utos. Huwag magkait ng tulong sa araw na ito. Lucky color: Gray, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May isang tao ang kakausap at may sasabihin na labis mong ikakabigla. Pag-aralan muna itong mabuti bago magbigay ng anumang reaksyon. Hindi lahat ng sinasabi sa iyo ay totoo. Tumingin sa mga mata ng kausap. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas maging mapagmasid ngayon. Minsan ka nang natanso kaya maging alerto. Talasan ang pakiramdam. May maliliit na bagay ang puwedeng pagmulan ng malaking aberya. May importanteng bagay na kailangan mong malaman. Lucky color: Green, lucky number: 26.