Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/23/2020

763

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Masalimuot ang pinagdaraanan ngayon pero dito mo rin mapapatunayan kung gaano ka katatag. Kahit gaano kalaki ang hamon ay makakaya mong lagpasan. Lucky color: Gray, lucky number: 9.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Alam mo kung ano ang gusto mo. Kahit hindi pumapabor ang mga tao sa paligid mo, mauunawaan naman nila na kailangan mong ipaglaban ang iyong karapatan. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magiging abala sa araw na ito at mapopokus ka sa mga personal na isyu. Posibleng mas maging emosyunal ka kesa pangkaraniwan. Iwasan lamang na makasakit ng damdamin ng iba. Lucky color: Red, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung may nangyaring isang tampuhan sa lovelife man o sa isang kaibigan, ngayon ang tamang pagkakataon para makipag-ayos. Wag mo nang hintaying maunang kumilos ang kabilang panig. Ipakitang tunay ang iyong pagpapahalaga sa kanya. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung dati-rati ay naghihintay ka munang subukan ang isang bagay, ngayon ay handa kang sumabak kahit hindi ka pamilya sa papasukan. Wag ding hayaang i-take for granted ka ng kahit na sino. Lucky color: Orange, lucky number : 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magpakatatag dahil puwede pang madagdagan ang iyong responsibilidad. May ibang opsyon pero kailangan mong maging handa sa mga ibubunga nito. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pinapaboran anumang pakikipagrelasyon pati na ang mga partnership na may kinalaman sa negosyo. Sa araw na ito, ikonsidera mo rin ang pangangailangan ng mas nakakarami. Lucky color: White, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May pagkakataon ka ngayon na makapag-level up lalo na sa aspeto ng iyong career. Kung kailangang mag-aral at dagdagan pa ang iyong mga skills, gawin ito at hindi ka mabibigo sa resulta. Lucky color: Violet, lucky number: 44

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mas magiging exciting ang mga pangyayari kung tuluyan mo nang bibitawan ang nakaraan. Hindi lahat papabor sa desisyon mo pero dito ka naman magiging masaya. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iwasang ma-involved sa drama ng ibang tao kahit pa gaano sila kalapit sa puso mo. Alam mong may maitutulong ka pero iwasang magboluntaryo dahil posibleng ikaw ang masisi. Lucky color: Black, lucky number: 13

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May maliit pero magandang pagbabago. Magdudulot ito ng malaking kagaanan sa takbo ng iyong buhay. Hindi masamang magkaroon ka rin ng pagbabago sa iyong attitude. Lucky color: Green, lucky number: 14.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May isang hindi inaasahang pangyayari pero kung pag-iisipan mo nang husto, matagal mo nang nararamdaman ang posibilidad na ito. Walang ibang opsyon kundi tanggapin ito. Lucky color : Gold, lucky number: 15.

Tonite – Wendys Inhouse Ad