Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/23/2020

709

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Wag mastadong sineseryoso ang iyong mga responsibilidad at wala namang masama rito. Pero may pagkakataong kailangan mo ring magpahinga at unahin ang iyong pangangailangan. Lucky color: Red, lucky number: 21.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Marami kang maa-accomplish ngayon kung may lakas ka ng loob na aksyunan ang mga ideya mo. Iwasan lamang na mangibabaw ang emosyon kaysa logic. Lucky color: Green, lucky number: 2.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Linawin kung ano talaga ang iyong saloobin sa loob ng araw na ito at hanggang sa susunod na araw. Hindi malayong may makabangga ka at masaktan sa sasabihin mo. Pero talagang masakit lamang ang katotohanan. Lucky color: Maroon, lucky number: 18.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahirap para sa iyo ang magsinungaling kahit alam mong makakasakit ka ng damdamin ng iba. Iwasan lamang na masyadong maging matalas ang dila. May tama at mahinahong paraan ng pagsasabi para maging mas katanggap-tanggap. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung patatangay ka sa malusog mong imahinasyon at pati na sa bugso ng emosyon, hindi malayong magkaroon ng matinding tampuhan sa araw na ito. Makabubuting manaig pa rin ang diplomasya sa kahit anong sitwasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi ka apektado sa iniisip ng ibang tao. Hindi ka rin nagpapaimpluwensya sa expectations nila sa iyo. Alam mong hindi mo sila ka-level kaya dapat hindi na pinapatulan. Lucky color: Gray, lucky number:5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Gamitin ang husay mo sa pagkukumbinsi para makuha ang suporta ng ilang importanteng indibidwal sa buhay mo. Kailangan lamang nilang makita na seryoso ka sa pagbabagong isinusulong mo. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –May mai-impress sa iyong mga importanteng indibidwal. Pero kung mapapasobra ka naman sa pakitang-gilas, meron ding ilang taong maiinis sa iyo. Bumalanse at gawing sakto lamang ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number:49.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Malalagay ngayon sa kuwestyon ang ilang bagay na dating tine-take for granted mo lamang. Mabubuksan din ang iyong isip na hindi puwedeng sarado agad ang isip sa isang bagay o isyu. Hindi masamang magbago ng pananaw. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung inaakala ng ibang tao na babaguhin mo pa ang nabitiwan mo nang desisyon, mapapatunayan nila ngayon na maling-mali sila. Ang isang Taurus ay hindi urong-sulong sa desisyon. Lucky color: Black, lucky number: 41.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mahirap mapagtama ang mga isyung may kinalaman sa pera. Kung sa pagnenegosyo, hindi malayo ang posibilidad na isang taong pinagtitiwalaan mo ang hindi nagiging totoo. Lucky color: White, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas lalo pang magiging tensyunado ang sitwasyon sa pagitan mo at ng isang taong matagal mo nang katunggali. Posibleng kailangan nyo nang pag-usapan nang masinsinan kung paano mapapahupa ang tensyon. Luckycolor: Gold, lucky number: 30.

Tonite – Wendys Inhouse Ad