Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/27/2020

0 686

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag gugulin ang oras sa walang kwentang bagay. Ikaw ay sadyang sinanay para mag-isip at magdesisyon sa malalaking bagay. Kailangan ang iyong konsentrasyon para rito. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –) –Hindi mo kailangang pakinggan ang sasabihin ng iba. Gawin ang nais mo at harapin o tanggapin ang kalalabasan nito. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Gawing mahinahon ang pakikitungo sa pamilya. May mga bagay na hindi mo kayang baguhin pero maaaring gumawa ng kaukulang adjustment at ito’y idaan mo sa mahinahon na pamamaraan. Lucky color:Blue, lucky number: 16.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kailangang tanggapin ng mga taong nakapaligid sa iyo ang gusto mong sabihin. Inuuna mo ang iyong kapamilya bago ang iyong kapakanan kailangan sa lahat ng pagkakataon pero sa araw na ito, dapat mo munang unahin ang sarili mo. Lucky color: White, lucky number:L 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ipahiwatig ang gustong sabihin kahit na may masasaktan dahil karapatan mo ito. Minsan kailangan mong saktan kahit pa ang taong malapit sa puso mo para gumising siya sa katotohanan. Lucky color: Gold, lucky number: 16.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Prinsipyo ang pairalin kaysa benipisyong matatamo. Hindi masamang tumanggi kung hindi ka tunay na kumbinsido. Kailangang manindigan at maging mabuting tao. Lucky color: Violet, lucky number:25.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Swerte ka sa araw na ito kailangang samantalahin ang pagkakataong ito. Hindi ka nauubusan ng ideya para kumita at kailangan lamang na umaksyon. Lucky color: Greenm lucky number:49.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi mo na maibabalik ang nakaraan pero marami kang natutunan dito. Ang anumang pagkakamali ay hindi mo na kailngang ulitin pa. Matuto at maging aral para sa ‘yo ang lahat. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –May pagbabagong parating para sa iyo sa araw na ito. Isang bagong karanasan ang sadyang itinakda para sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 14

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung gusto mo talagang makuha ang isang bagay gagawa ka ng paraan na makuha ito. Kailangan lamang na magpokus at kumilos agad nang makamit ito. Lucky color:Gray, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Ang usaping pinansiyal ay dapat agad na resolbahin. Hindi matatakasan ang isang obligasyon kaya makabubuting agad harapin ito at nang makapagpatuloy na sa ibang aspeto ng buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 5.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Sobrang pagsusumikap ang ginagawa mo sa ngayon. Pero tulad ng iba ikaw ay nagkakamali rin. Tanggapin bawat pagkakamali at tandaan na lamang ang naiwang leksyon. Lucky color: Gold, lucky number: 2.