Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/31/2020

752

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makabubuting samantalahin ang araw na ito para makipagbati sa mga taong nakasamaan ng loob. Kaya pang sagipin ang isang magandang relasyon na pinasok lamang ng pride at tampuhan. Lucky color:Red, lucky number: 24.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung may isang taong tila naghahamon sa iyong kakayahan, hindi na siya dapat pang patulan. Wag sayangin ang iyong panahon. Alalahaning iba ang sitwasyon noon at ngayon. Umiwas sa stress. Lucky color: Maroon, lucky number: 23.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Napagbigyan na ang mga pagsasaya at pantasya. Ang araw na ito ay magpapamukha sa iyo ng reyalidad ng buhay. Magpokus para madali mong maharap ang mga kailangang gawin. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Sumunod sa restriksyon at limitasyon para sa kabutihan ng nakararami. Pero wag itong hayaang maging hadlang sa mga gustong gawin . Abot-kamay lamang ang katuparan ng iyong pangarap. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasang maging mapagsuspetsa. Bagama’t may ilang taong sumira sa iyong tiwala, wala na sila sa buhay mo. Magpokus sa kasalukuyan at hindi sa nakaraan. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Gamitin ang araw na ito para gumawa ng pangmatagalang plano. Sapat ang iyong enerhiya at inspirado ka. Malalagpasan mo ang iyong mga pagsubok. . Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May tukso para sumuko sa isang problema pero hindi ito ang solusyon. Maaaring makaiwas ka ngayon pero babalik din ito sa mga susunod na araw. Isang kaibigan ang may malaking maitutulong. Lucky color: Gray, lucky number: 7

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang proyekto ang kailangan nang tapusin. Hindi ka makakapagpokus sa mga selebrasyon sa paligid hanggang hindi mo ito tuluyang naisasara. Walang oras na dapat sayangin. Lucky color: Orange, lucky number : 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang trabahong gusto mo nang isuko ang magkakaroon ng bagong kaganapan. Kailangan mo lamang ang tulong ilang piling indibidwal. Sila ang susi para tuluyan mo itong makumpleto. Lucky color: Gray, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Wag munang gumawa ng maraming plano. Ilbre muna ang mga araw na darating para ma-enjoy ang isang importanteng selebrasyon. Magluluwag ang pakiramdam kung pagyayamanin ang pananampalataya. Lucky color: Silver, lucky number: 22.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – I-push mo pa ang sarili mo ngayon. Gumawa ng kakaiba kaysa nakagawian. Malakas ang magiging impluwensya mo sa mga taong nakapaligid sa iyo. Lucky color: Gold, lucky number: 39.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasang masyadong magpokus sa pera. Marami pang isyung dapat pag-ukulan ng atensyon. Makakarelaks ngayong maraming oras na nasa bahay. Lucky color: Brown, lucky number: 24

Tonite – Wendys Inhouse Ad