Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/03/2018

243

Eeddie-murphyDDIE MURPHY

(American actor/comedian)
Birthday: April 3, 1961

Kung talagang gusto mong ala­gaan ang isang Aries man, kaila­ngang ipakita hindi lang basta iparamdam na espesiyal siya sa lahat ng bagay. Gusto niya na lagi siyang pinupuri sa kanyang mga ginagawa. Ipadama sa mga magagandang salita ang kanyang mga katangian.

Kailangan lang na sincere at tapat ka sa mga sinasabi mo dahil ma­lakas ang kanyang radar sa mga taong sinungaling. Sa oras na malaman niya na niloloko siya, mabilis pa sa alas-kuwatro ang kanyang pag-alis.

ARIES (March 21-April 19) – Huwag matigas ang ulo, sundin agad ang importateng inuutos sa iyo. Ingatan ang sarili. Mas magiging magaan ang trabaho kung magiging masaya sa ginagawa. Lucky color: O­range, lucky number: 29.

TAURUS (April 20-May 20) – May hatid na su­werte ang bagong kagamitan. Walang mawawala kung susubok sa ilang matandang paniniwala. May isang tao na magiging gabay sa iyong tagumpay. Lucky color: Violet, lucky number: 43.

GEMINI (May 21-June 20) – Nasa huli palagi ang pagsisisi. Kailangan na pag-ingatan ang kalusu­gan. Huwag balewalain ang sakit na nararamdaman. Mahalaga na malaman ang katotohanan. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

CANCER (June 21-July 22) – Gagaan ang pakiramdam ngayong nailabas na ang lahat ng sama ng loob. I­ngat sa pagsasalita lalo na tungkol sa pera. Mas mabu­ting magtanung-tanong muna bago magdesisyon. Lucky color: Silver, lucky number: 31.

LEO (July 23-August 22) – Maganda ang kapalarang naghihintay sa ibang lugar. Mas masarap sa pakiramdam kung ikaw ang makakatulong sa kapwa. Mag-share ng blessings sa malalapit na kaanak. Lucky color: Green, lucky number:10.

VIRGO (August 23-September 22) – Kaunting lamig ng ulo sa harap ng kausap. Masusubukan ang mahabang pasensya. Mas hahangaan bilang isang magandang ehemplo. Ituloy ang magandang ginagawa. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

LIBRA (September 23-October 22) – Kailangan mo ngayon ang mahabang pasensya. Huwag nang balikan ang hindi magandang kahapon. Mas mangingibabaw ang pagmamahal sa iyo ng taong malapit sa puso. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 5.

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag pagsisihan ang naging desisyon. Pangatawanan ito at harapin ang consequences. Gantihan ng kabutihan ang hindi magandang inasal ng kapwa. Huwag palakihin ang maliit na tampuhan. Lucky color: Green, lucky number: 44.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi masamang humingi ng tulong. Magpakatotoo para mas gumaan ang trabaho. Malakas ang suporta ng pamilya sa magiging desisyon. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Marami pang paraan para malutas ang problema. Kumonsulta sa ilang malalapit na kaibigan. Kailangan mo ngayon ng maraming ideya o opsyon para maraming pagpilian.Mag-ingat sa paglalabas ng malaking pera. Lucky color: White, lucky number: 7.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Huwag nang magpaligoy-ligoy sa usapan. Tumbukin na ang gustong sabihin. Mas madaling maiintindihan kung mga simpleng salita ang gagamitin. Magugulat sa magiging takbo ng usapan. Lucky color: Red, lucky number: 1.

PISCES (February 19-March 20) – Gumaganda ang takbo ng trabaho. Magdesisyon para sa sarili. Iwasang sumigaw para hindi layuan ng mga kasama. Lucky color: Gray, lucky number: 5.