Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/14/19

402

Rodolfo Biazon
Kaarawan: Abril 14, 1935

Pabigla-bigla sa desisyon. May malakas na kumpiyansa sa sarili kaya naman madalas na nananalo sa anumang labanan. Mahirap silang makabangga dahil sa desidido silang mapabagsak ang sinumang hahadlang sa kanila.

ARIES (Marso 21-Abril 19)—Ang ipinakikita mong kabaitan ay magdadala ng bagong love interest. Kung may commitment ka na, mas makabubu­ting linawin na hanggang friendship lamang ang kaya mong ibigay. Huwag pumasok sa isang relasyon na magdadala ng matinding sakit ng ulo. Lucky color: Brown, lucky number: 18.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20)—Huwag akuin ang responsibilidad na hindi sa iyo. Kumilos nang naayon sa tunay na damdamin. Mahirap umasa sa isang relasyon na sapilitan lang. Lucky color: Yellow, lucky number: 52.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20)— Ihanda ang sarili dahil magiging abala sa buong araw. May kakaibang excitement na hatid ang bagong pag-ibig. Huwag hayaan na masayang ang magandang simula. Nasa iyo ang desisyon kung gusto mo itong magtagal o hindi. Lucky color: Gray, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22)—Hayaang makapagrelaks ang katawan at isipan. Masyado kang nabugbog sa mga nangyari. Oras na para ibangon ang sarili. May hatid na suwerte ang bagong kabanata sa buhay. Abangan ang magandang development sa hinihintay na trabaho. Lucky color: Red, lucky number: 14.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22)—Ang ipinakikita mong sigla ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kasamahan. Ugaliin ang pagngiti. Mas maraming lalapit na suwerte sa iyo. sa Hindi kataka-taka na mataas ang iyong popularidad kaya’t marami ang maakit na sumama sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22)—Sa halip na aksyahin ang oras sa mga gawaing boring, ibuhos na lamang ang araw na ito para sa sarili. Mag­pagupit ng buhok at mamili ng mga bagong damit. Mag-iiba ang pa­nanaw dahi lsa malakas na kumpiyansa sa sarili. Lucky color: Gray, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22)—Habang umiiwas ka ay mas lalong titindi ang nararamdaman. Harapin ang paghamon ng buhay. May isang partikular na kaibigan na humihingi ng iyong atensyon. Walang mawawala kung pagbibigyan ito. Lucky color: Green, lucky number: 34.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21)––Ang iyong determinasyon at disiplina sa sarili ang maghahatid sa iyo sa tagumpay. Makikita ang magandang resulta ng mga sakripisyo. Huwag munang bilangin ang pera na wala pa sa iyong kamay para hindi ka ma-dissappoint. Lucky color: Silver, lucky number: 23.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)—Isang admi­rer ang nagpaparamdam sa paligid. Kung wala ka pang commitment, hindi masamang ikonsidera ang taong ito dahil pareho kayo ng interes. Bukod dito, mas kailangan mo ngayon ng makakasama sa pinagdadaanang kalungkutan. Lucky color: Gold, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19)—Sa araw na ito, isang malapit na kaibigan ang magbibigay ng kulay. Makinig sa isang kuwento. Marami kang malaman na mga bagong impormasyon na ngayon mo lang maririnig. Lucky color: Blue, lucky number: 41.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)—Marami ka pang hindi alam kaya’t mag-observe sa iyong paligid. May kakaibang atraksyon sa isang tao na dati nang nakarelasyon. Huwag hayaang mawala ang isang bagay na hawak mo na sa iyong kamay. Lucky color: White, lucky number: 16.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20)—May komplikasyong hatid ang bagong trbaho. Kailangan mong maghinay-hinay para malagpasan ang aberya. Sa aspeto ng romansa, isang bagong ka­kilala ang nagpaparamdam sa iyo. Maging aware sa hatid nitong consequences sa iyong buhay. Lucky color: Red, lucky number: 1.