Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/16/02018

318

Wahab Akbar (Politician)
Birthday: Abril 16, 1960

Pabigla-bigla, matigas ang ulo, malakas ang personalidad at hindi basta mapapatumba. Ilan lang iyan sa mga katangian ng lala­king Aries. May malakas na loob na matindi pa sa sa bagyo o delubyo pero isa siyang tapat na tao na madaling mahalin. Mahirap kalaban ang Aries­ male dahil hindi siya basta nagpapatalo sa kahit anong laban.

ARIES (March 21-April 19) – Magi­ging busy sa araw na ito sa paglilinis ng bahay. Isang kaibigan ang big­lang tatawag at manga­ngailangan ng iyong tulong. Hindi mo mahindian kaya maraming gawain ang hindi matatapos.Lucky color: Gold, lucky number: 1.

TAURUS (April 20-May 20) – Lalaki ang kita dahil sa makabagong teknolohiya. Samantalahin ang magandang pagkakataon sa negosyo. Kumain ng mabuti at magpahinga dahil kailangan mo ng maraming energy sa susunod na project o trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

GEMINI (May 21-June 20) – Maglinis ng bahay dahil may dara­ting kang bisita. Maghanda din ng meryenda para sa malaking grupo. Tawagan agad ang kaibigan na cook para sa saklolo. Lucky color: Green, lucky number: 15.

CANCER (June 21-July 22) – Isang kaibigan ang magiging daan para sa bagong tuklas na hobby. Ito na ang pinakahihintay para sa self-fulfillment. Lalabas ang galing sa bagong interes na magdadala sa iyo sa matagal ng pinapangarap. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

LEO (July 23-August 22) – May biglaang lakad pero sa malapit lang. Isang kaibigan ang dadalaw at magyaya­yang mamasyal. Maraming mapupulot na ideya para mapaganda ang ayos ng bahay. Mag-eksperimento sa iba‘t ibang kulay. Lucky color: Violet, lucky number: 4

VIRGO (August 23- September 22) – Big­lang mababago ang takbo ng buhay. Kaunti pa lang sa una pero kalaunan ay magugulat na lang sa takbo ng mga pangyayari. Good timing sa bagong negosyo. May makikilala na tutulong sa iyo. Buksan ang isip sa mga posibi­lidad. Lucky color: White, lucky number: 40.

LIBRA (September 23-October 22) – May good news na magpapa­ngiti sa iyong umaga. Magplano para bumuti ang buhay. Kailangan mo rin ng bakasyon para mas makapag-isip ng mabuti.Lucky color: Blue, lucky number 9.

SCORPIO (October 23-November 21) – Gusto mo nang pagbabago sa iyong buhay. Para sa first step, humingi muna ng payo sa pamilya. Alamin ang gusto at ayaw sa trabaho. Pag-aralan ang sariling profile para malaman kung anong trabaho ang gusto at nababagay sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 43.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mag-celebrate sa maagang tagumpay. Unti-unti nang inaani ang mga sakripisyo at pinaghirapan. Huwag makampante dahil umpisa pa lang ng magandang buhay. Lucky color: Pink, lucky number: 7.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mayayaya sa big­laang adventure. Kung walang gagawin, mas mabuting sumama para mag-enjoy. Kailangan mo ngayon ng sikat ng araw at sariwang hangin. Mag-enjoy lang. Lucky color: Red, lucky number: 9.

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Gusto mo ng bagong trabaho. Mag-research muna kung saang lara­ngang ka interesado. Tawagan ang taong alam mo na makakatulong sa iyo. Huwag nang magpatumpik-tumpik pa sa dapat na gagawin. Lucky color: O­range, lucky number: 13.

PISCES (February 19-March 20) – Malaki ang papel ng teknolohiya sa iyong buhay. Mag-aral kung kailangan para sa dagdag na kaalaman. May magandang alok sa trabaho. Tanggapin agad ito. Lucky color: Gray, lucky number: 16.