Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/17/2018

0 750

VICTORIA BECKHAM
Birthday: April 17, 1974

May pagka-playful ang babaeng Aries lalo na sa pagdating sa usapang pag-ibig. Pero hindi ibig sabihin nito ay ayaw niyang mag-settle down o mag-asawa. Sa sandaling makita na niya ang kanyang `ideal man’, ibubuhos niya ang lahat-lahat sa taong ito. Pagsisilbihan ng todo at mamahalin.

Kung magtagal man ang nag-aalab na damdamin na ito? Ito ang ma­laking tanong. Kaya dapat magaling humawak ng relasyon ang kapartner ng Aries woman para di nawawala ang
‘excitement’.

Immediate-Hiring-Ads

ARIES (March 21-April 19) – Manunumbalik ang dating pakiramdaman sa mga bagay na kinatatakutan. Humanap ng makakausap na kaibigan o kasamahan. A­lamin ang pinagmulan nito para maunawaan ang sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 54.

TAURUS (April 20-May 20) – Gumalaw-galaw para gumanda ang sirkulasyon ng dugo sa katawan. Kung hindi ka tatayo at maglalakad, pa­tuloy na mananamlay ang pakiraramdam. Mara­ming dapat gawin at tapusin kaya pilitin ang sarili na bumalik ang sigla. Lucky color: Brown, lucky number: 12.

GEMINI (May 21-June 20) – Magugulat sa taglay na talent. Kahit na wala kang ginawa ngayon, may tatawag at kukunin ang iyong serbisyo. Huwag mag-isa. May ibang tutulong sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 44.

CANCER (June 21-July 22) – Mabigat ang pakiramdam sa araw na ito. Isang dati nang-away o gulo ang mapag-uusapan. Mahihirapan kang dalhin at tanggapin ang mga bagay. Iwasan magsalita ng masasakit. Lucky color: Red, lucky number : 29.

LEO (July 23-August 22) – Magulo ang magiging takbo ng usapan sa financial issues. Magtimpi at kontrolin ang negative emotion. Magugulat sa iaalok na trabaho. Tanggapin agad ito. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

VIRGO (August 23- September 22) – Mati-tense dahil kulang ang hawak na pera. Ipagpa­liban ang anumang paggastos. Hayaang umayos muna ang takbo ng pana­nalapi bago mamili. Pag-usapan ng kapartner ang problema. Lucky co­lor: Pink, lucky number: 5.

LIBRA (September 23-October 22) – Masusubukan ang talino at ga­ling sa pag-iisip ng solu­syon. Hindi mahihindian ang isang pakiusap. Lina­win lang ang mga bagay na pasok sa iyong limitasyon. Huwag maging madamot sa magagandang ideya. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

SCORPIO (October 23-November 21) – Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Kumanta, mag-compose, gumawa ng tula o magsulat. Huwag kalimutan ang mga obligasyon. Pakinggan ang mensahe na natatanggap ng iyong puso. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Tapusin na ang mga isyu na gumugulo sa isip. Mag-focus sa mga priori­ties. Huwag ubusin ang oras sa mga bagay na hindi produktibo. Mahalaga ang bawat oras. Lucky co­lor: Maroon, lucky number: 4.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan ng lamig ng ulo. Huwag idaan sa galit ang frustration sa trabaho. Umisip ng solusyon kahit temporary muna. Walang problema na hindi nalulutas sa mabu­ting pag-uusap. Lucky co­lor: Orange, lucky number: 19.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Matutuloy ang matagal na naudlot na trip. Alisin ang anumang agam-agam sa gagawin. Gawin ang gusto dahil ito ang tunay na magpapaligaya sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 30.

PISCES (February 19-March 20) – Kokontrahin ang sariling salita. Kung naguguluhan, magpalamig muna para ma­ging malinaw ang isip. Ikondisyon na ang sarili sa bagong lugar na li­lipatan. Hindi na mapi­pigil ang nararamdaman sa taong madalas na kasama. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 12.