Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/17/2019

294

Jennifer Garner

Kaarawan: April 17, 1972

May kakaibang mga ideya sa buhay. Masarap siyang kausap dahil sa mga unique at kakaibang opinyon sa kahit anong paksa o topic. Iba ang tingin nila sa mundo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ma­laki ang chance na magkaroon ng bagong lovelife kung gugustuhin mo. Mag-focus sa mga bagay na dapat gawin. Ituloy ang naudlot na pagsusulat at pagpipinta. Lucky color: Red, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Lalabas ang pagiging malikhain. Samantalahin ang nag-uumapaw na suwerte sa iyong career. Huwag pansinin ang mga pasaring ng iba. Magugulat sa magandang resulta ng ginagawang proyekto . Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 8.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Magiging masaya at kuntento sa bagong work. Minsan, kailangang iwan ang routine kung gusto mong mag-explore ng ibang bagay. Sa ngayon, hindi ka dapat matakot dahil magiging maayos ang mga plano sa araw na ito. Lucky color: Red, lucky number: 13.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nasa iyong mga kamay ang ikakalutas ang iringan sa loob ng pamilya. Magi­ging mainit ang usapan. Maraming opinyon na lalabas. Subukang baguhin ang dekoras­yon sa bahay. Irespeto ang desis­yon ng mas nakakatanda sa iyo. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 23.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Maraming masasabi na hindi maganda dahil sa sakit na nararamdaman. May nangyaring komprontasyon na makakaapekto sa iyong kalusugan. Posibleng magkasakit dahil sa sobrang pag-iisip. Lucky color: Maroon, lucky number: 5.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mabibigo sa isang pinapangarap. Mas mabuting i-reevaluate ang mga plano para matiyak kung saan ka nagkulang. Hindi tamang isisi sa iba ang kamalian. Ipakita na kaya mong panindigan ang naging desisyon. Lucky color: Gray, lucky number: 47.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May ilang tao na lalapit sa iyo para sa isang pabor. Huwag basta maniwala lalo na kung tungkol ito sa pera. Mas mabuti nang mag-ingat kaysa maisahan ng mga taong gustong magsamantala sa iyong kabaitan. Lucky color: Lucky co­lor: Violet, lucky number: 29.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magbaba ng pride kung gusto mong makasundo ang mga kasamahan. Matutong makibagay. Hindi maaaring ikaw lagi ang tama. Minsan kailangan mong magbigay alang-alang sa kapaka­nan ng marami. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang matagal ng kaibigan ang magpaparamdam. May kilig na mararamdaman sa muling pagkikita. Ngayon ang tamang oras para ituloy ang naudlot na relasyon. Lucky color : Green, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi matutuwa sa nakanselang lakad. Huwag gawing isyu ito sa relasyon. Kung may pagdududa, may ibang rason sa likod nito. Iwasang maghusga nang wala sa lugar. Magiging malinaw ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky color: Yellow, lucky number: 17.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Lalabas ang tunay na kulay ng isang tao na malapit sa iyo. Gawin ang nararapat para walang pagsisihan. Hindi mo kaila­ngang sumabay sa iba, dahil mas maganda ang direksyon na tinatahak mo sa nga­yon. Lucky color: Pink, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Biglang magbabago ang isip. May mga importanteng bagay na kailangang unahin sa iyong mga plano. Magugulo at malilito. Mas mabuting tumigil muna sa anumang ginagawa. May sagot na darating bago mtapos ang araw na ito. Maghintay lang. Lucky color: White, lucky number: 9.