Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/21/2019

252

Luis Manzano

Kaarawan: Abril 21, 1981

Kulang sa initiative o kusa ang mga lalaking Taurus kaya naman madalas silang mag-panic kapag hindi nila nakuha ang kanilang gusto. Sa kabila nito, sigurado sila sa nararamdaman sa kanilang partner kaya nagtatagal ang kanilang mga relasyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas mabigat para sa iyo ngayon ang kumampi. Gayunpaman, kung ito ang kailangang gawin ay huwag magpapigil. Iwanan muna ang iyong comfort zone. Dapat kang manindigan sa pagkakataon na ito. Lucky color: Gold, lucky number: 51.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –– Hindi nalalayo ang isang pagbibiyahe kasama ang kapamilya. Maaring sandali lang ito pero magbibigay ng masayang bonding. Magiging daan din ito para mas maging malapit sa isa’t isa. Lucky color: Green, lucky number: 50.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas madali kang madismaya sa araw na ito. Marahil dahil ito sa sakit na iniinda. Huwag nang patagalin ang paghihirap. Magpakonsulta agad sa manggagamot para sa mabilis na paggaling. Lucky color: Black, lucky number: 39.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Paborableng araw ito para sa iyong career. Sa wakas makakatanggap ng pagkilala sa mga nagawang sakripisyo. Samantalahin ang pagkakataon para mas mapalapit sa iyong kapamilya. Bihirang dumating ang pagkakataon na magkaroon ka ng free time. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang iyong pamilya ang iyong tanging masasandalan kaya sa kanila ka kumapit. Mas kailangan mo ngayon ang iba­yong pang-unawa. Makinig sa kanilang mga payo na para sa iyong kabutihan. Lucky color: Silver, lucky number: 2.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maaaring hindi lahat ay katanggap-tanggap para sa iyo. Walang mawawala kung magbibigay ng isa pang pagkakataon. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– May isang legal issue na kaila­ngang resolbahin sa lalong madaling panahon. Kapag pinatagal mo pa ito, posibleng magdala ito ng problema sa hinaharap. Maibabalik mo na sa normal ang sitwasyong matagal-tagal ding naging sentro ng iyong pagkabalisa. Oras na para mag-move on. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang magandang balita ang darating. Magiging maayos din ang masalimuot na sitwasyon sa iyong buhay. Labanan ang malakas na negative vibes sa iyong paligid. Lucky color: Red, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –– May nararamdaman kang diskuntento at pagkadismaya. Huwag itong gawing hadlang para hindi matuloy ang mga pinaplano. Maghintay pa ng ilang araw dahil mapapasakamay ang inaasam. Magbabalik din ang lahat sa normal. Lucky color: Maroon, lucky number: 46.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Mas competitive ka sa araw na ito kumpara kahapon kaya mas kaya mo ngayong lumaban para sa gusto mo. Iwasan lamang na may maapakan kang ibang tao para maisakatuparan ito. Mag-ingat sa nilalakaran. Lucky color: Gray, lucky number: 28.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May ilang hamon na puwedeng pagdaanan. Maari ka ring malagay sa isang alanganing sitwasyon kung hindi ka mag-iingat. Mas dapat na masunod ang matagal nang pinagkasunduan. Lucky color: White, lucky number: 8.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag personalin ang mga nangyari. Bahagi lang ito ng isang mala­king picture sa hinaharap. Mag-isip. Maging mapagmasid dahil marami ka pang hindi alam sa mga nangyayari. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.