Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/22/2019

337

Regine Velasquez
Kaarawan: Abril 22, 1970

Masarap kausap dahil sa taglay na talino at husay sa pagsasalita. Maraming alam kaya hindi nauubusan ng topic na puwedeng pag-usapan. Determinado at malakas ang personalidad. Bihira sa mga babaeng Taurus ang mahiyain. Kapag ginusto nila ay kaya nilang kunin nang walang kahirap-hirap.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nasa mood ka ngayon kaya naman maraming trabaho ka na magagawa. Ikaw na ang umiwas sa komprontasyon. Lumayo muna sa isang taong hindi mo dapat maging kaaway. Lucky color: Gray, lucky number: 42.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Itodo na ang effort sa taong iyong ipinupursige. Ngayon na ang pagkakataon na ipakita ang sinseridad. ‘Wag palagpasin ang magandang oportunidad. Lucky color: Yellow, lucky number: 26.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi lahat ng sinasabi ng kaibigan ay dapat mong pagtiwalaan. May isa sa kanila na hindi totoo sa iyo. Maging alerto sa gustong magsamantala sa iyong kabaitan. Lucky color: Green, lucky number: 37.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May gumugulo sa iyong isipan. Kung anuman ito, ay dapat mo na itong ayusin. Maaaring hindi matuloy ang isang mahalagang plano. Wala sa iyong control ang sitwasyon na tanging ang panahon lamang ang makapagsasabi. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May ilang tao sa paligid mo ang susubok sa iyong pasensya. Pigilan ang inis at negatibong emosyon. Iwasang mawalan ng kontrol sa iyong emosyon. Hindi makakatulong sa iyo kung papatulan mo pa sila. Mag-chill ka lang. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kaila­ngan mo ng balanse. Piliting makakawala sa routine. Ikaw din ang mahihirapan kung magpapaalipin sa iyong trabaho. Hindi puwedeng itodo ang kayod kahit hindi na kaya ng katawan. Lucky color: Red, lucky number: 46.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Buksan ang komunikasyon. Gagaan ang kalooban kung laging may kausap. Maniwala na parating na ang iyong tagumpay. Lucky color: Yellow, lucky number: 27.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag laging magkulong sa kuwarto. Lumabas at makihalubilo. Hindi makakatulong sa iyong sitwasyon ang pagsosolo. Paglabanan ang nararamdamang kalungkutan. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Gaano man kaabala, bigyan pa rin ng panahon ang sarili. Mag-ayos at bumili ng mga bagong gamit. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ibang tao ang uunahin mo. Tumupad sa seryosong pinag-usapan. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magpokus sa hawak na negosyo. Ikaw ang tanging may magandang plano na maaring makatulog dito. Mas makapag-recharge ka kung magbabakasyon sa ibang lugar. Samantalahin ang pagkakataon para makapagsaya sa piling ng mga taong minamahal. Lucky color: Orange, lucky number: 18.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang pangyayari ang hindi maiiwasan. Paghandaan ang malaking okasyon. Kalma ka lang dahil pansamantala lamang ang mga dinadalang problema. Makakabawi ka rin agad sa mga susunod na araw. Lucky color: Brown, lucky number: 25.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Bigla kang magigising sa isang masakit na katotohanan. Isang kasamahan mo sa trabaho ay magpaparamdam. Panindigan ang mga sinabi kahit na masakit sa iyong kalooban. Lucky color: Orange, lucky number: 16.