Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/01/2019

293

Charlene Gonzales
Kaarawan: Mayo 1, 1974
Malakas ang loob at kayang dalhin ang anumang stress sa buhay. Hindi masisira ang kanyang diskarte dahil lang sa mga sagabal at problema. Bagkus mas gusto niyang lumaban mag-isa para ipakita na kahit solo siya ay kaya niyang manalo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Marami ka pa ring hindi alam tungkol sa buhay-buhay. Huwag magmadali. May tamang panahon para sa lovelife at ­career. Maghintay lang. Lucky color: Green, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magiging maayos ang takbo ng rela­syon. Marami ring positibong ideya ang nabubuo sa iyong isip. Maisasakatuparan ang mga ito kung iyong gugustuhin. Lucky color: Orange, lucky number: 6.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mag-share ng mga natatanggap na blessing. Magiging maaliwalas ang buong araw dahil sa iyong mga sakripisyo. Iwasan ang pagtatanong kung makakasakit ka lang ng damdamin. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 24.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maraming tukso. Nasa iyo lang kung magpapadala o iiwas dito. Nasa iyong kamay ang lahat ng pagkakataon para ma­ging masaya. Maaaring matuloy din ang planong bakasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 46.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami kang gustong malaman at hindi masamang magtanong. Anumang bagong kaalaman ay makatutulong para ipursige ang mga planong negosyo. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Walang dahilan para pahirapan ang sarili. Kung mahal mo ang isang tao ay ipaglaban ito hanggang sa huli. Dito mo lang maipapakita ang iyong pagiging tapat at totoo. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May impormasyong kailangan mong sabihin sa mga kasama. Huwag itong sarilinin dahil makatutulong ito sa iyo. Makukuha mo ang suporta ng iyong pamilya sa laban mo sa buhay. Lucky co­lor: Silver, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas maraming maniniwala sa iyo ngayon. Anumang dating hadlang sa iyong daan ay tuluyan nang mawa­wala. Magpasalamat sa taong nakatulong sa iyong problema. Lucky color: Gold, lucky number: 28
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Nasa mood ka para makipag-bonding sa mga kaibigan. Okay ito para ma-relax ang isip. Panatilihing positibo ang attitude at anumang hamon ay malalagpasan. Lucky color: ­V­­i­­­o­­­l­e­­­­t, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ramdam mong umiiwas ang ilang kaibigan. Marahil ay may hindi maganda sa iyong pag-uugali. Isi­ping mabuti ang nagawang pagkakamali at saka humingi ng sorry. Lucky color: White, lucky number: 29.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mataas ang iyong energy sa araw na ito. Maghahatid ka rin ng saya sa mga taong mahalaga sa buhay mo. Patuloy na ipa­dama ang iyong pagmamahal sa pamilya. Lucky color: Maroon, lucky number: 49.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Marami ka nang napagtiisan at unti-unti nang makikita ang magandang resulta nito. Kung nararamdaman mong handa ka na sa mga susunod na hakbang, mag-umpisa na sa mga balakin. Gawin ito ngayon din. Lucky color: Blue, lucky number: 9.