Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/017/2018

431

KRIS BERNAL
Birthday: May 17, 1989

Kilala ang mga Taurus sa pagiging loyal o tapat. Kahit na mara­ming kaibigan o kakilala, ilan sa mga malalapit sa kanya ang bibigyan niya ng kanyang 100% loyalty at siyempre, ganu’n din ang gusto niyang isukli sa kanyang katapatan. Mabilis ma-disappoint kapag naramdaman niyang fake ang isang kaibigan. Mapili ang mga Taurus woman sa mamahalin. At kapag nakita na nila si Mr. Right, all-out sila sa pag-aalaga at pagmamahal dito.

ARIES (March 21-April 19) – Huwag masyadong pahirapan ang sarili. Matu­tong umamin sa kasala­nan. Ikaw lang ang makakapagbago ng direksyon sa buhay. Maraming opsyon pero piliing mabuti ang akma para sa iyo. Lucky color: ­Orange, lucky number: 20.

TAURUS (April 20-May 20) – Makikita ang matagal nang hinahanap. Bigyan ng time ang sarili na maghilom ang ­sugat na dulot ng kabiguan. Magsalita para marinig ng iba ang gustong sabihin. Lucky color: Green, lucky number: 40.

GEMINI (May 21-June 20) – May dina­dalang pasanin. Dapat nang magising sa matagal na pagkabulag sa pag-ibig. Unti-unting mare-realize ang mga maling desisyon sa ­buhay. Bumangon at itama ang mga pagkakamali. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.

CANCER (June 21-July 22) – Ihanda ang sarili sa maraming gawain. Tiyakin na walang matatapakan sa gagawing hakbang. Huwag solohin ang problema. Magpasaklolo kung hindi na kaya. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

LEO (July 23-August 22) – Biglang makakaramdam ng kaba sa taong makakasalubong. Babalik ang isang nakakakilig na nakaraan. Matutong magpasalamat sa natanggap na tulong at regalo. Lucky color: Gold, lucky number: 36.

VIRGO (August 23-September 22) – Kaunting lamig ng ulo. Huwag nang patulan ang mga masasamang nari­nig. Ikondisyon ang sa­rili dahil wala namang idudulot na maganda ang pakikipag-away. Lucky color: White, lucky number: 6.

LIBRA (September 23-October 22) – Muling mai-in love sa bagong kapitbahay. May kakaibang karisma ito na hindi maipaliwanag. Minsan mahirap tala­gang maintindihan ang pusong naguguluhan. Hayaan na lang ang panahon ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa. Lucky color: Peach, lucky number: 21.

SCORPIO (October 23-November 21) – Kaunting preno sa pagsasalita. Marami ang naghihintay sa iyong sasabihin. Mas unahin ang sarili kaysa sa ibang tao. Makipagkaibigan sa mga bagong kasamahan sa trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 29.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Doblehin ang pang-unawa. Mas kailangan ka ngayon ng ka-partner na may problema. Alisin na ang tampo, sa halip ay yakapin at halikan ang kasuyo na nalulungkot. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maraming magagandang posibilidad kung bubuksan ang isip. Huwag makuntento sa dumarating. Mas ma­buting kumilos at pagsikapan ang mga pangarap sa buhay. Lucky color: ­Silver, lucky number: 25.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kalma lang. Hindi lahat ng isyu ay kailangan mong patulan. Kung gusto mo ng tahimik na buhay, huwag nang sumali sa mga isyu kung wala ka namang kinalaman. Lucky color: Maroon, lucky number: 1.

PISCES (February 19-March 20) – Alamin muna ang katotohanan bago mag-react. Ingat sa pag-aakusa kung hindi ka sigurado. Maaaring masira ang samahan dahil sa maling akala. Luck color: Green, lucky number: 43.