Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/02/2019

253

Dwayne Johnson
Kaarawan: Mayo 2, 1972

Sagana sa opinyon kaya madalas na napapadebate. Kahit na minsan malabo ang ikinakatwiran, hindi ito basta bibitaw sa kanyang paniniwala. Pero kalaunan, aamin din sa pagkakamali na parang walang nangyari.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi masamang tumulong pero kung ibibigay mo lahat ng nasa iyong kamay ay dapat mag-isip muna. Huwag mong akuin ang problema ng iba. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May maaantala sa iyong mga ginagawa sa araw na ito. Matamlay ang pakiramdam kaya mas gusto mong matulog. May mga taong kinokontak ka pero hindi ka mahagilap. Buksan ang komunikasyon. Lucky color: Violet, lucky number: 51.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag munang maging kampante. May mga taong gusto kang pabagsakin kaya’t mag-ingat. Madidismaya sa isang pangyayari pero huwag kang panghinaan ng loob dahil malalagpasan mo rin ang pagsubok. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahirap ipilit ang gusto kung hindi naman pabor ang iyong mga kasama. Matutong magparaya para sa maayos na samahan. Ipokus na lamang ang atensyon sa mga bagay na nakakapagparelaks. Lucky color: Maroon, lucky number: 10

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May isyu sa pinansyal na gumugulo sa isipan. Humingi muna ng tulong sa mga kapamilya o kaibigan kung kinakailangan. Lucky color: Gold, lucky number: 44.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hinay-hinay lamang sa araw na ito. Bigyan ang sa­rili ng pagkakataon na makapagpahinga. Mas magiging produktibo ka kung hindi pagod ang isip. Lucky color: Silver, lucky number: 21.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Lahat ng pinaghirapan mo ay magbubunga ng magandang resulta. Dahil ito sa iyong sikap at tiyaga. Gamitin ang pagkakataong ito para mag-isip ng susunod pang proyekto. Lucky color: Pink, lucky number: 55.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ibigay ang araw na ito para sa sarili. Magpatay ng gadget at namnamin ang katahimikan ng paligid. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay uunahin ang mga taong nasa paligid mo. Lucky color: White, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magiging malinaw sa iyo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Mahirap labanan ang matinding kalungkutan. Harapin ito at paglabanan. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –– Importanteng makompronta mo ang anumang isyu bago pa man ito lumaki. Kailangan mong mag-adjust para malagpasan ang episode na ito ng iyong buhay with flying colors. Ituloy ang laban. Lucky color: Yellow, lucky number: 26.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –– Huwag pabayaan ang sarili. Sa gitna ng pagiging abala, may isang tao na biglang susulpot at manga­ngamusta. Makakapaghintay ang trabaho, pero hindi ang pagod na katawan at isipan. Lucky co­lor: Red, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Gusto mo mang makisalamuha sa piling ng mga kaibigan, huwag silang pilitin kung ayaw pa nila. Bigyan muna sila ng ilang oras para mahimasmasan sa mga nangyari. Ikaw man ang lumagay sa kanilang sitwasyon, ito rin ang iyong gagawin. Lucky color: Yellow, lucky number: 54.