Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/03/2019

328

Christina Hendricks
(American actress/model)
Kaarawan: May 3, 1975

Kayang tumayo sa sari­ling mga paa. Hindi umaasa sa tulong ng iba. Alam niya ang gagawin kahit na nahihirapan. Mas gusto niyang magtrabaho na mag-isa kaysa may mga kasama.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –– Isang taong akala mong kakampi ang magdidiin sa iyo sa isang isyu. Sa halip na murahin ay magdasal na lang. Darating ang panahon na makakatulong din ito sa iyo sa hindi mo inaasahang pagkakataon.Lucky color: Brown, lucky number : 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Piliting makuha ang balanseng buhay. Matagal ka nang nagsakripisyo kaya oras na para makapag-relaks ka naman. Maging bukas ang isip sa maraming posibilidad. Lucky color: Yellow, lucky number: 51.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– Gustuhin mo mang magpa-impress ay hindi ito matutupad sa araw na ito. Sariwa pa sa kanilang alaala ang isang pagkakamali. Mas makabubuting sarilinin muna ang mga plano habang wala pang pinal na desisyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 1.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nasa maayos na sitwasyon ang mga mahal sa buhay. Dahil ito sa iyong pagsisikap. Marami rin ang puwedeng ma-impress sa iyo ngayon. Samantalahin ang mabubuksang oportunidad o job offer. Lucky color: White, lucky number: 38.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Isang trabaho na inakala mong hindi mo na kaya ang biglang magagawa. Maraming positibong nangyayari sa career na dapat ipagpasalamat. Nasa iyong panig ang suwerte sa araw na ito. Lucky color: Gold, lucky number: 10.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mo ngayong pagtuunan ang iyong emosyon. Huwag mabulag sa matatamis na salita. Alam mo ang nangyayari kaya’t huwag magkunwari. May isang tao na gusto kang impluwensiyahan. Mag-inga­t. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Isang matagal ng away ang posibleng lumaki. Kailangan mo ngayong manindigan. Hindi makaka­tulong kung mahihiya. Maging assertive sa pagsasalita para mas paniwalaan. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –– Kailangan mo ng solidong plano. Siguraduhin­g maayos kahit ang maliit na detalye. May mga taong naghihintay na makita kang bumabagsak. Lucky color: Silver lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –– May tensyon sa paligid subalit walang dapat ipangamba dahil hindi ka naman kasali rito. Magmalasakit sa taong nakakatulong sa iyo. Oras na para ikaw naman ang dumamay sa kanila. Lucky color: Blue, lucky number: 17.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Tuloy-tuloy lang sa mga plano sa buhay. Ipokus ang sarili kung saan mo gustong pumunta o direksyon na gustong tahakin. Huwag tumigil sa iisang lugar kung nais mong matuto sa buhay. Lucky color: Orange, lucky number 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mag-ingat sa mga sinasabi. Maaaring madulas kang sabihin ang isang matagal ng sikreto. Pangatawana­n ang isang pangako. Lucky color: White, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malakas ang kumpiyansa mo sa iyong sarili sa araw na ito. Wag matakot sa isang pagsubok. Sadyang may mga bagay na dapat daanan bago makamit ang tagumpay. Nasa isang magandang posisyon ka rin para makaarangkada sa mga plano mo. Lucky c­o­lo­r: Green, lucky number: 22.