Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/04/2019

292

Teresita Ssen
‘Winwyn’ Marquez
Kaarawan: Mayo 4, 1992
Taglay nila ang mahabang pasensya. Para sa kanila, mas mahalaga na matapos po nang tama ang iyong ginagawa kaysa sa mauna kang matapos sa trabaho. Kapag may ginusto, gagawin nila ang lahat para makuha ito.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Nahihirapang makipag-usap sa isang kapamilya. Ihanda ang sarili sa maririnig. Kailangan ngayon ang ibayong pang-unawa . Lucky color: Blue, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Makinig mabuti sa instructions. May gumugulo sa isip kaya’t hindi makapag-concentrate. Kung hindi mag-iingat ay pwede kang mapunta sa maling direksyon. Huwag mahiyang magtanong. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Huwag masyadong idealistic patungkol sa relasyon. Kilala­ning mabuti ang bagong kakilala dahil may nakatago itong pagkatao. Tanggapin ang naging kasawian. Magliliwanag ang isip bukas sa maraming bagay.Lucky color: Orange, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May isang bagay na matagal nang hinahanap. Nakatago ito sa kailaliman kaya’t hindi matagpuan. Kailangan mo ba talaga ito? Umupo sandali at mag-isip. Ha­yaan na lang lumipas ang araw. Lucky color: Gray, lucky number: 44.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Huwag makinig sa tsismis. Anumang balita na kumakalat ay mali at sabi-sabi lang. Kausapin ang taong sangkot. Sa kanya ka maniwala para ka matahimik. Lucky co­lor: White, lucky number: 19.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Matutukso sa isang mamahaling bagay. Siguraduhin na kaya mo ang papasuking sitwasyon. Minsan hindi pagsasayang ang paggasta. Maaring makatulong ito para madagdagang ang kumpiyansa sa sarili. Lucky color: Violet, lucky number: 17.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Ma­lakas ang daloy ng emosyon kaya’t nahihirapang kang mag-isip. Timbangin ang problema. Baka kulang lang sa komunikasyon ang pamilya. Hindi mo pa alam ang tunay na pangyayari. Piliin ang opsyon na makakabuti para sa lahat. Lucky color: Maroon, lucky number: 39.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Malakas ang imahinasyon. Kung ikaw ay nagsusulat, nakikinig ng music o sumasayaw, ay lalabas ang pagiging malikhain. Isulat ang mga lalabas na ideya sa isipan para hindi makalimutan. Magagamit mo ang mga ito sa future. Lucky color: Green, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Mas titindi ang pagdududa sa isang kaibigan. Humiram ba ito ng pera sa iyo? Alamin ang background ng taong kausap. Huwag paasahin ang isang tao na matagal nang naghihintay sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Malilito sa gitna ng iyong tagumpay. Para kang naglalakad nang walang direksyon. Mag-focus at maging objective. Mahirap itong sabihin pero kaya mong gawin. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Umiwas sa mga argumento. Mag-research kung hindi sigurado sa ilang bagay. Hintayin ang tamang timing para sa mga gustong sabihin. Lucky color: Brown, lucky number: 55.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –May gumugulo sa isipan. Kung hindi alam ang gagawin, mas mabuting mag-stay muna sa isang lugar. Isang hindi magandang panaginip ang biglang maalala. Magdasal para sa katahimikan ng kalooban. Lucky color: Silver, lucky number: 30.