Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/05/19

220

Adele
Kaarawan: May 5, 1988
Hindi masyadong mahilig sa adventure. Isang paghamon ang anumang pagbabago sa kanyang buhay. Nahihirapang makasabay sa agos pero kapag inalalayan ay makakaya niyang magawa ang mga bagay na hindi niya akalain na kaya niyang gawin.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Madidiskubre ang naiibang pakiramdam sa araw na ito. Marami kang matatanggap na sopresa. Pumasok sa kuwarto at maupo. Kailangang mag-isip bago ang malaking event . Lucky color: Blue, lucky number: 18.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Makakakuha ng lakas sa iyong pamilya at mga kaibigan. Magiging kalmado kahit na napapaligiran ng tension. Importante ang araw na ito sa iyong pagsisimula. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

Abante Hiring – IT dep

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Tumulong sa iba. Malilito ka lang sa una, pero kapag nagkapagsalita ka na, magugulat sa dami ng iyong nasabi. Hindi na dapat ipaalam sa iba ang mga lugar na pupuntahan. Lucky color: Beige, lucky number: 1.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Huwag talikuran ang sitwasyon. Marami ang tila kumakalaban sa iyo, pero akala mo lang iyon dahil hindi sila ang tunay na kalaban mo. Maliit na aksyon mula sa taong espesyal ang magpapakilig sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Magigising na may mga pag-aalala. Huwag matakot dahil magiging maaliwalas ang buong araw . Babalik na normal ang pakiramdam. Harapin ang adventure na hatid ng bagong career. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Kung may nararamdaman na kakaiba sa araw na ito, magtiwala sa instincts. Alam mo kung malalagay ka sa peligro, kaya’t mas mabuting huwag tumuloy. Hindi ka magiging produktibo kung hindi ka kumportable. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Ikaw na ang magdesisyon para sa sarili. Sagot mo ang iyong problema. Mananaig ang matinding takot at pagkabalisa. Lucky color: Red, lucky number: 40,

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Ipakita sa iba na kaya mo rin ang manindigan. Matutong makisabay sa agos. Mas mahirap mag-isa kapag maramin kalaban. Lucky color: White, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –May dara­ting na mga bagong project. Dagdagan ang iyong pasensya. Mas magiging maganda ang resulta ng hinihintay kung kalmado ka lang. Lucky color: Silver, lucky number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –May special someone na tunay na maasahan. Magplano ng candle light dinner sa bahay. Gamitin ang mga nakatadong kubyertos sa ispesyal na okasyon. Mag-focus sa inyong dalawa ng taong minamahal.Lucky color: Pink, lucky number: 43.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Namnamin ang makulay na araw sa piling ng kasuyo. Parang wala nang mahihiling pa. Sadyang malapit ang blessing sa mga taong pinagpapala. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Simulan ang araw na may positibong pag-iisip. Pairalin ang tamang asal. Mas importante ito kaysa sa magandang itsura. Lucky color: Brown, lucky number: 3.