Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/06/2019

246

Maymay Entrata
Kaarawan: May 6, 1997
Mahaba ang kanilang pasensya pero kapag napuno ay matindi kung magalit. Likas sa kanila ang pagiging matigas ang ulo. Kailangan nila ng magandang katwiran bago mo mapabago ang kanilang mga opinyon at paniniwala sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maging praktikal sa araw na ito. Huwag ipilit ang isang bagay na sa panaginip lang nangyari. Isang kaibigan ang kailangang mong alalayan bago pa ito makaisip nang hindi maganda. Lucky color: White, lucky number: 6.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kakaila­nganin mo ng ibang suhestiyon. May hindi tama sa gustong simulan na negosyo. Hindi ito ang oras para mag-emote. Maging masaya sa mga blessings. Lucky color: Silver, lucky number: 12.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ikaw nga­yon ang susi para malinawan ang mga bagay-bagay. Mahahati ang isipan sa trabaho at pamilya. Unahin kung ano ang mas importante para sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ang mga bagay na dating binabalewa mo lamang ay magiging mahalaga para sa iyo. Maglinis ng paligid. Mas makakapag-isip kung nasa ayos ang mga gamit. Ngayon ang tamang oras para umpisahan ito. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mabilis lamang para sa iyo ngayon ang kumilos at tapusin anumang kailangang gawin dahil sa bagong inspirasyon. May hatid na sorpresa ang darating na bi­sita. Maghanda ng magandang damit. Lucky color: Yellow, lucky number: 22.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Madadagdagan ang mga responsiblidad. Samantalahin ang ganitong mood dahil ngayon mo maiisip na masarap mabuhay. Lumayo sa hindi magandang impluwensya bago ka pa magsisi. Lucky color: Gold, lucky number: 31.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nakikiayon ang araw na ito sa isyu nang pananalapi. Marami kang maa-accomplish at dapat lamang itong ipagmalaki. Gayunman, manatiling humble para mas lalo pang suwertehin. Lucky color: White, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Umiwas muna sa pagdalo sa mga meeting o pag-uusap. Mas epektibong magtrabaho kung meron kang kaalalay. Isang tao ang handang tumulong kung ikaw mismo ang lalapit dito at makikiusap. Lucky color: Blue, lucky number: 14.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mabilis na mag-iinit ang ulo. Uminon ng maraming tubig. Hangga’t maari ay kontrolin ang galit dahil wala itong mabuting idudulot sa kalusugan. Makinig ng music para kumalma. Lucky co­lor: Green, lucky number: 58.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May good news na galing sa ibang lugar. May mensahe ito na kailangan tandaan. Dalawin ang matandang kaanak na matagal nang sabik sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Bigyan ng atensyon ang iyong kalusugan. Magpaaraw sa umaga. Kung may iniisip kang bagong diet ay gawin ito. Magpokus sa pag-eehersisyo kung gusto mong maging malusog. Lucky color: Orange, lucky number: 39.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Gaano man ka-busy sa araw na ito, piliting ipikit ang mga mata at huminga ng malalim. Kung hindi maalis ang kaba, subukang maglakad o maghanap ng kausap. Dapat maalis ang mga takot at pag-aalala para bumalik ang dating sigla. Lucky color: Green, lucky number: 2.