Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/08/2019

267

Enrique Iglesias
Kaarawan:
Mayo 8, 1975

Mabait, magaaang kasama at kalmado ang ilan sa mga kata-ngian ng lalaking Taurus. Mas importante sa kanila ang kasalukuyan. Hindi siya masyadong naka-focus sa nakaraan. Prayoridad niya ang pagpapayaman at magkaroon ng magandang buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Pawiin ang pag-alala dahil walang problema sa trabaho. Isang bagay lang ang kailangang bantayan, at ito ay ang iyong pamilya. Matagal ka na nilang hinahanap kaya magpakita ka naman sa kanila. Lucky color: Brown, lucky number: 45.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Makakamit ang target na posisyon. Huwag kalimutang magpasalamat sa taong nakatulong. Alisin ang pagdududa sa sariling kakayahan. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Paghusayan ang pakikipag-usap. Maging friendly sa mga bagong kasamahan. Mahirap nang mapagkaisahan dahil sa maling akala. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Alisin ang mga negatibong iniisip dahil makakaapekto ito sa iyong ginagawa. Kailangan mo ring mag-ingat dahil posibleng may mawaglit sa iyong mga gamit Lucky color: Yellow, lucky number: 27.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong kumalma. Hindi mo mae-enjoy ang magandang paligid kung balisa. Isipin ang magagandang nagyari sa buhay na dapat ipagpasalamat. Lucky color: Violet, lucky number: 15.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Mas mataas ang iyong energy sa araw na ito. Madali ka rin maapektuhan kaya’t iwasan muna ang malulungkot na kuwento, May reward na maasahan sa iyong career. Lucky color: Red, lucky Number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Masusubukan ngayon ang iyong pasensya. Isang malapit na kaanak ang lalapit at may hindi magandang sasabihin. Iwasan ding idamay sa init ng ulo ang iyong partner sa buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang kapamilya ng mangangailangan ng iyong tulong pinansyal. Abutan ito nang bukal sa kalooban. May kakaibang tuwa sa kalooban sa ginawang pagtulong. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May mabubuksan na isang oportunidad sa trabaho para sa iyo. Pag-isipang mabuti ang magandang alok. Pagkakataon mo na para ipakita ang iyong special skills. Lucky color: Pink, lucky number: 17.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iwasang maging masyadong agresibo. Kung may hindi magandang ganap ay tanggapin na lang ito. Kailangan lamang dagdagan pa ang pasensya at lawakan ang pang-unawa. Walang tao na perpekto.Lucky color: Green, lucky number: 4.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maraming nakaharang sa iyong daraanan. May mga planong hindi rin nasusunod. Kung kaila-ngan mong sumigaw ay gawin ito. Kailangang mailabas ang mga sama ng loob bago matapos ang araw. Lucky color: White, lucky number: 44.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasan ang mga padalos-dalos na aksyon at desisyon. Gawin ang mga bagay na nakakarelaks. Makapag-isip kung walang masyadong tensyon sa katawan. Lucky color: Orange, lucky number: 50.