Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/09/2019

310

Jiro Manio
Kaarawan: Mayo 9, 1992
Isang tunay na ma­ngingibig ang mga lalaking Taurus pero kapag nasaktan ay may tendency na gumanti sa paraan na hindi maganda. Hindi siya madaling impluwensyahan dahil buo ang kanyang loob sa anumang bagay na kanyang ipinaglalaban at pinaniniwalaan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Wala sa mood ang kapartner. Kung gusto mo siyang pasayahin ay gawin ito. Umisip ng mga bagay na nakakatawa para siya mapatawa. Magbitaw ng joke. Huwag pumayag sa sagot na ‘no’ dahil kabaligtaran nito ang kanyang gusto. Lucky color: Black , lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mauubos ang oras sa kusina. Kung hindi mo kaya ang gawain ay mabuting magpatulong na sa iba. Sa umpisa ka lang maiinis. Magagamay mo rin ang lahat ng trabaho. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Mas mabu­ting mag-stay na lamang sa bahay. May tatawag pero hindi mo ito masasagot. Mag-relax. Uminom ng tea at i-enjoy ang katahimikan ng paligid. Lucky color: Blue, lucky number: 35.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Isang mahalagang gamit ang biglang mawawaglit sa paningin. Kahit saan mo ito hanapin ay hindi mo makikita. Mauubos ang oras sa maghapon. Mas mabuting magpatulong na sa iba sa paghahanap kung pagod na. Lucky color: White, lucky number: 7.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –May planong biyahe sa isang lugar na matagal nang gustong marating. Isang kaibigan ang gustong sumama pero magbabago ang isip. Mas mabuting ikaw na lang ang mamasyal na mag-isa. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Luma­lakas ang duda sa pagkatao ng isang kaibigan. Iwasang pag-usapan ang mga bagay na personal. Itama agad ang hindi magandang na­sabi sa isang kasamahan. Lucky color: Red, lucky number: 42.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Kaya mong maabot ang isang bagay kung iyong pagsusumikapan. Minsan, maraming sagabal pero kalaunan ay magtatagumpay din. Huwag sukatin sa materyal ang mga blessings o biya­yang dumarating. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Malilito sa biglang paglayo ng isang tao na malapit sa puso. Kung ayaw nitong makipag-usap ay hayaan na lang muna. Kusa itong lalapit kapag handa na siyang magsalita. Irespeto ang kanyang pananahimik. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Isang miyembro ng pamilya ang big­lang aalis. Masakit ito sa kalooban pero kailangang tanggapin. Mahirap lang ito sa umpisa pero makakasanayan din. Tuloy lang ang buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 22.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Mapapasubo ng malaking halaga. Pag-isapan agad ang mga dapat gawin. Huwag hayaang masira ang magandang pangalan dahil sa kapaba­yaan. Lucky color: Brown, lucky number: 55.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Isang mahal sa buhay ang biglang lalayo. Kung anuman ang dahilan nito ay dapat mong irespeto. Maging busy para malabanan ang sobrang kalungkutan. Dagdagan ang pasensya. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 10.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Nasobrahan ka sa exercise. Posibleng sumakit ang mga paa at binti ngayon. Magsuot ng kumportableng sapatos upang mawala ang sakit. Maglambing sa kasuyo para sa inasaman na masahe. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 11.