Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/10/2019

374

Jake Zyrus
Kaarawan: Mayo 10, 1992

Isang matapat na kaibigan at kasama. Masarap magmahal at hindi nang-iiwan sa laban. Pero handang manuwag kapag naabuso at naapakan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May ilang tao na laging nakamasid at binabantayan ang iyong kilos. May namumuong inggit sa pagitan ng mga kaibigan. Dumistansya kung ayaw mong ma­damay sa malaking gulo. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kailangan nang agad na desisyon sa isang sitwasyon. Nakasalalay dito ang iyong trabaho. Kung hindi pa handa na tanggapin ang pagbabago, mas mabuting magsabi ng totoo. Lucky color: Red, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May kailangang isakripisyo para sa kapanatagan ng kalooban. Kung hindi ka gagawa ng aksyon, malaki ang posibilidad na magkagulo. Isiping mabuti ang gagawin at ang kaakibat nitong consequences. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magiging komportable sa taong madalas na kasama. Unti-unti na itong makikilala at makakaka-vibes. Hindi masamang sumugal sa mga bagay na hindi pa nasusubukan. Lucky color: Red, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isipin ang kapakanan na matagal nang napabayaan. May hangganan ang lahat ng mga paghihirap. Isang kaganapan ang magbubukas sa iyong mga mata sa ibang direksyon ng buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 10.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ‘Wag magpokus sa mga negatibong bagay. Lalong makakasama sa kalusugan ang sobrang pag-aalala. Magtiwala sa iyong sariling kakayahan. Huwag pangunahan ang isang paparating pa lamang. Lucky color: Gray, lucky number: 16.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas malakas ngayon ang iyong karisma kaya naman halos lahat ng hingin ang maibibigay sa iyo. Maganda ring pagkakataon ito para ayusin ang sarili. Pahalagahan ang mga taong minamahal. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang pagbabago ang maaaring maka-drain ng iyong enerhiya. Mag-relaks. Mas makakapag-isip kung hindi masyadong harass ang isip at katawan. Lucky color: Silver, lucky number: 58

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maaring hindi maiwasan ngayon ang bugso ng galit at emosyon. Makakatulong sa iyo kung mas magiging aktibo ka at hindi lamang nakapokus sa problema. Sa pamamagitan nito, maiiwasan mong mabagot sa isang sitwasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-E­nero 19) – Maaring mabigyan ka pa ng isang pagkakataon matapos ang isang pagkakamali. Bago ka pumasok ng commitment ay alamin muna sa iyong sarili kung handa ka ba. Hindi maaaring emosyon mo lamang ang magdedesisyon. Lucky color: White, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kahit naka-move on ka na, may malaking bahagi pa rin ang nakaraan ang kukurot sa damdamin. Isang paalala ito na hindi pa ganap na naghilom ang sugat. ipaalala lamang lagi sa sarili ang mga pagkakamali na hindi na dapat maulit. Lucky color: Pink, lucky number: 19.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasang makasakit ng damdamin ng iba partikular ng taong nagmamalasakit sa iyo. Ipreno muna ang bibig kung walang magandang sasabihin. Maaring may pagsisihan kung hindi mapapag-isipan nang husto ang isang gustong gawin. Lucky color: Gold, lucky number: 41.