Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/11/2019

382

James Reid

Kaarawan: Mayo 11, 1993
May katigasan ang ulo. Hindi sila ang taong pwedeng pilitin na gawin ang isang bagay na ayaw nila. Hindi sila kikilos hangga’t hindi sila handa.

Sa isang banda,may advantage ang katangi-an nila na ito dahil kaya nilang humawak ng posisyon o puwesto at mas madalas na nagtatagumpay sila sa career na kanilang pinapasok.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –`Less is more’ ang gawing motto sa araw na ito. Kung marami kang itatapon na mga hindi importanteng bagay sa iyong buhay, mas maraming papasok na bagong oportunidad. Matutong tumanggi kung hindi mo feel ang iniaalok sa iyo. Mas unahin ang sariling pangangailangan. Lucky color: Silver, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Magdahan-dahan upang hindi madapa. Iwasang maging emosyunal. Huwag magreklamo dahil para sa iyong kabutihan ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Matutong mag-share ng kaalaman. May pagsubok na hindi mo akalaingn darating sa iyong buhay. Mag-research para sa isang mahirap na katanungan na ibinabato sa iyo. Lucky co-lor: Brown, lucky number: 43.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Huwag maliitin ang pwedeng gawin ng isang tao sa iyong paligid . Kunin ang iniwang aral nang isang pangyayri. Magiging gabay mo ito sa mga darating pang problema. Lucky color: Gold, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –May isang tao na higit ang pagmamahal sa iyo. Kahit anong mangyari ay makakaasa ka sa tulong nito. Hindi ka nag-iisa . Huwag mahiyang i-share ang suwerte na ito sa pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Sabihin kung anong ang nakikita kahit na magmukhang corny. Hindi lahat ay kayang basahin ang nasa isip mo. May mga senyales na ipaparating sa iyo. Maging prangka sa sasabihin. Lucky color: Gray, lucky number: 35.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Humingi ng matandang payo. Kakaiba ang hatid nitong aral na akma sa iyong problema. Ayusin na ang gulo sa loob ng pamilya. Marami na ang nasaktan sa mga nangyayari. Lucky color: Red, lucky number: 16.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Subukang mag-compose ng tula. Gamitin itong outlet para mailabas ang saloobin. Hayaang mai-express ang sarili sa pamamagitan ng pagsusulat. Lucky color: Maroon, lucky number: 21.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Hindi dahil tahimik na ang paligid ay pwede nang sasabihin sa iba ang sikreto. Marami ang gustong lumapit at magsalita. Mas mabuting manahimik na lang muna hanggat hindi nakaksigurado sa pagkatao ng taong kausap. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Maraming kailangang pagdaanan bago mo marating ang gustong mara-ting. Makinig sa mahinang boses na may ibinubulong. Maging open at tanggapin ang mga dumarating. Hindi ito ang tamang oras para magreklamo. Lucky color: Violet, lucky number: 1.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Parang may batong dala-dala sa likuran.
Habang bumibigat ay bumabagal ang iyong lakad. Gayunman, makakarating sa takdang oras sa iyong destinasyon. Kung aalis ang mga pabigat sa buhay ay gagaan ang pasanin. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Kumalas sa mga taong walang silbi. Huwag masyadong ibuhos ang lahat sa isang partikular na tao. Iklian ang pakikipag-usap at mas tagalan ang oras sa paliligo at pagre-relax. Lucky color: Orange, lucky number: 25.