Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/12/19

341

Dennis Trillo
Kaarawan: Mayo 12, 1981

Maraming pa­ngarap sa buhay at dito umiikot ang kanilang mundo. Madalas silang makapagkamalang masungit at aloof dahil mas gusto nilang mag-isa. Ayaw kasi nilang may ibang masisi sakaling pumalpak ang kanilang mga desisyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasang maging careless lalo na sa pagsasalita. Mahirap na mabigyan ng hindi magandang first impression. Mag-isip muna nang makailang ulit bago magsalita. Hindi masamang hingin ang opinion ng mga taong mas nakakatanda sa iyo. Lucky color: Gold, lucky number: 3

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Lawakan pa ang pang-unawa at habaan ang pasensya dahil may kakaibang pinagdaraanan ang isang kasama. Walang taong perpekto at kahit ikaw ay nagkakamali don. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maaring hindi mo gusto ang sitwasyon mo sa kasalukuyan. Pero wala kang magawa dahil nandiyan ka na. Tanggapin na lang ang anumang nakalatag sa iyo. Gawing positive ang negatibong bagay na dumarating sa iyong buhay.Lucky color: White, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag ipahalata na hindi mo gusto ang mga tao sa iyong paligid. Makisama nang maayos. Makikita mo rin ang malaking advantage nang ginawang sakripisyo. Magpapasalamat ka sa kanila kahit na ayaw mo. Lucky color: Pink, lucky number: 48.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mapanghamon ang araw na ito sa usapain ng buhay-pag-ibig. Sa kabila nito ay may bagong oportunidad na darating. Walang dapat ipag-alala dahil mas lu­malakas ka kapag natsa-challenge. Ituloy ang tamang nasimulan. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Gustuhin mo mang magpahi­nga ay hindi mo ito magagawa. Hindi na uubra ang iilang oras lang. Kaila­ngang araw na ang bilangin para makapagpahinga ang katawan. Hinay-hinay ka rin sa pagkain ng marami. Lucky color: Gold, lucky number: 37.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Sa araw na ito, maaring may magawa ka na hindi mo sinasadya. Hindi ka mapa­kali dahil sa isang tawag. Mas mabuting tawagan na rin agad ang tao na tunay na nagpapasaya sa iyo at sabihin sa kanya ang totoong damdamin. Lucky color: White, lucky number: 26.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas malapit ka ngayon sa mga tensyon at intriga. Ilang tao rin sa paligid mo ang matindi ang inggit ang iyo kaya mag-ingat. Huwag basta ibi­gay ang pagtitiwala kung hindi pa ganap na kilala ang isang tao. Lucky color: Red, lucky number: 55.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ikaw ang tipong hindi umaatras sa anumang hamon. Wala namang masama sa ganitong attitude pero mas malapit ka sa gulo. Iwasang mapaaway dahil sa maling pag-aakala. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Matutong dumiskarte para sa sarili. Kung madapa ka man, dapat ay matuto ka ring tumayo. Hindi na uubra ang dating gawi na palaasa. Nasa ibang kabanata ka na ng buhay na kailangan mong panindigan. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang taong nakakatataas sa iyo ang makakasalungat ng opinyon. Ikaw na ang magpakumbaba. Kontrolin ang bugso ng galit para walang masabi na hindi maganda. Wag na siyang patulan hangga’t kaya mo. Lucky color: Gray, lucky number: 26

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Para kang mapapraning sa dami ng problemang kinakaharap. May malakas na pressure. Dumistansya muna sa dating kasamahan. Hindi rin masamang ibitin muna ang iyong desisyon habang hindi pa payapa ang kalooban mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.