Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/13/2019

0 303

Paulo Avelino
Kaarawan: Mayo 13, 1988
Possessive ang isa sa mga katangian ng isang Taurus. Sobra silang magselos at magsalita. Minsan ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi natutuloy at nauuwi sa hiwalayan ang kanyang mga naging relasyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang lahat ay nasa iyong panig kaya’t huwag matakot. Patunay lamang ito na mas marami ang naniniwala sa iyo. Samantalahin ang pagkakataong ito para sabihin ang tunay mong saloobin sa taong minamahal. Lucky color: Violet, lucky number: 29.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May isyu na kailangan nang ayusin habang hindi pa huli ang lahat. Ito ang tamang pagkakataon para muling magsimula. Magtiwala na kaya mong mabago ang direksyon patungo sa tama at dapat. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi ka madidismaya sa resulta ng araw na ito. Bagkus ay baka mapalundag ka pa sa sobrang katuwaan. Pakinggan ang sinasabi ng mga taong nasa pali­gid at baka may mapulot kang magandang ideya. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi ka mauubusan ng rason dahil ito sa bagong inspirasyon. Malayo ang iyong mararating dahil sa kakaibang diskarte sa buhay. I-treat ang pamilya sa isang masarap na dinner. Lucky color: red, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masamang i-share kung ano ang tunay mong iniisip. Piliin lang ang taong pagkakatiwalaan ng iyong mga sikreto sa buhay. May malaking maitutulong ang isang kaibigan para tuluyang malutas ang isang masalimuot na isyu. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May mga seryosong diskusyon na kailangang harapin. Kalma ka lang kahit na marami ang tumutuligsa. Huwag patalo sa biglang init ng ulo. Marami kang matutunan bilang isang lider. Lucky color: Gray, lucky number: 16.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maraming mababago sa buhay dahil sa pinasok na consequences. Kailangan mong makisabay kung ayaw mong mapag-iwanan. Mag-chill ka lang dahil aayon sa iyong panig ang mas maraming suwer­te. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa araw na ito ay malilito sa idinidikta ng puso at isip. Marami kang rason na kailangang timba­ngin. Aanhin mo ang prinsipyo kung ikakabagsak mo ito. Pagdesisyunang mabuti kung alin ang mas matimbang. Lucky color: White, lucky number: 29.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May isang isyu sa nakaraan na hindi pa natutuldukan. Kailangan mo nang tuluyang maka-move on pero sadyang hindi mo pa kaya sa nga­yon. Huwag ipilit ang hindi pa puwede. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas sensitibo ka ngayon sa iba’t ibang isyu. Maaari na dahil ito sa hindi mabuting pakiramdam. Kailangan mong malunasan agad ang karamdaman para hindi maapektuhan ang iyong ginagawa. Lucky color: Gold, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa paborableng posisyon ka para igiit ang gusto mo. Ikaw ang dapat na masunod dahil alam mo kung ano ang mas mabuti para sa iyo. Huwag umasa sa opinyon ng taong walang kinalaman sa iyong buhay. Huwag magpatalo sa mga nararamdamang insecurities. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magpokus sa mga obligasyong dapat mong isaprayoridad. Hindi ito matatakasan kahit na gustuhin mo. Gamitin ang isang impormasyong magmumula sa taong malapit sa iyo para mapagaaan ang mga dalahin sa buhay. Lucky color: Silver, lucky number: 14.