Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/14/2019

0 251

Mark Zuckerberg

Kaarawan: Mayo 14, 1984
Kung anuman ang mayroon sa isang Taurus ay dahil ito sa kanilang pagsisikap. Napagkakamalan silang madamot, pero sa katotohanan ay may pagpapahalaaga lang sila sa kanilang mga pinagpaguran. Mas compatible sila sa mga Virgo, Capricorn, Cancer, at Pisces.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang dating kaibigan ang biglang susulpot. Kamustahin ito at kausapin. May m­ahalagang sasabihin ito sa iyo kaya’t makinig na mabuti. Magdadalawang isip ka pero sa huli ay tatanggihan mo ang inaalok nito. Lucky color: Purple, lucky number: 5

TAURUS (Abril 2 0-Mayo 20) – May kakaibang nararamdaman sa kasuyo. May panlalamig na ugat nang hindi pagkakaunawaan. Kausapin ito at alamin ang totoong problema. Lucky color: White, lucky number: 15

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Lalabas ang creative talent. Makakatanggap ng papuri sa magandang trabaho. Pwede mo na itong gamitin sa planong pag-aabraod. Mas maganda ang hatid na suwerte kapag nasa ibang lugar. ito. Lucky color: Black, lucky number: 12

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Dapat mong matutunan ang pagpapatawad. Hindi magtatagal ang relasyon kung puro pride ang iiral. Magparaya sa kasama kung nais mong isalba ang pagsasama. Lucky color: Orange, lucky number: 2

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) -Huwag kang pumasok sa isang bagay na hindi ka sigurado. Marami pang darating kung papalagpasin mo ang pagkakataon na ito. Kung ipagpapatuloy mo ito ay hindi ka rin magiging masaya dahil wala ang puso mo at isip sa iyong ginagawa. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magiging masaya ang araw na ito sa piling ng iyong pamilya. Dedmahin ang mga negatibo sa iyong paligid. Hangga’t umiiral ang pagmamahalan ay walang ibang makakasira sa relasyon. Lucky color: Pink, lucky number: 48.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Hindi mo masisisi ang isang tao na masama ang loob sa iyo. Hayaan na lang lumipas ang mga araw. Kusa itong lalapit at makikipag-usap kapag wala na ang mga sama ng loob. Lucky color: Gold, lucky number: 43.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang ginawa mong pagsasalita ay lilikha ng panibagong gulo sa inyong pamilya. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari. Malalagay sa sitwasyon na hindi mo makakaya. Umatras muna sa laban para sa katahimikan ng lahat. Lucky color: Red, lucky number: 49.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Magi-ging mapalad ka ngayon sa negosyo. Maaliwalas ang dating ng pera. Samantalahin mo ang pagkakataon para makatulong sa iba. Lucky color: Pink, lucky number : 24.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang tao ang laging nakasunod sa iyo. Huwag ibaling ang tingin sa ibang direksyon. Mag-ingat sa nilalakaran. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –-Kailangan mong pagbigyan ang kahilingan ng iyong boss. Dito nakasalalay ang iyong promotion. Mahirap lang ito sa simula pero magagamay din kalaunan. Lucky color: Blue, lucky number: 53.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sa kabila ng nararamdaman mong pagod ay biglang may excitement dahil sa isang text message. Pansinin ang sinasabi ng taong ito na may bahid ng katotohanan. Mag-isip nang iyong isasagot. Lucky color: Green, lucky number: 56.