Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/15/2019

0 284

Jennylyn Mercado

Kaarawan: Mayo 15, 1987
Sexy, palabiro at down to earth ang mga babaeng Taurus. Sila ang masasa­bing perfect partner dahil sa taglay nilang mga katangian. Hindi sila sob­rang seryoso at hindi rin sila puro joke lang ang alam. Maasahan at may sense kausap kaya naman marami ang nahuhumaling sa kanilang personalidad.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –– Masyado mong kinikimkim ang mabigat na problema. Walang short cut kundi tanggapin ito at pagdaanan. Huwag matakot dahil mangyayari ang matagal nang ipinagdarasal. Lucky color: White, lucky number: 50.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Manindigan para sa kabutihan ng mas nakararami. Sa puntong ito, pairalin ang pagiging praktikal. Mahirap mapasubo sa isang bagay na hindi mo alam ang pasikot-sikot. Lucky color: Violet, lucky number: 52.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi makikiayon ang araw na ito sa mga bagay na gustong gawin. May tensyon sa trabaho. Umiwas muna sa kumpulan para hindi mapagbinta­ngan. Iwasan ang pagsasalita ng laban sa mga kasamahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magi­ging malinaw ngayon kung ano ang tunay na intensyon ng isang kaibigan. Iwasan na ito bago ka pa madamay. Piliing magpakatotoo sa nararamdaman. Lucky color: Green, lucky number: 40.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maraming negatibong nangyayari sa iyong paligid pero mabuting huwag nang makisawsaw. Mas harapin ang sariling isyu. Buksan lang ang komumikasyon para sa mga gustong lumapit sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Hindi ito ang araw para mag-emote. Lumabas at makihalubilo sa mga kaibigan. Piliting maging positibo at magpokus sa mga taong inspirasyon mo sa buhay. Lucky color: Pink, lucky number: 14.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maaring hindi maiwasang magkaroon ng samaan ng loob sa pamilya. Sa totoo lang ay may malalim na sugat na hindi pa naghihilom. Unahing ang lunas nito para sa kapanatagan ng kalooban. Lucky color: Brown, lucky number: 38.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangang maging praktikal sa desisyon. Umiwas muna sa mga tukso at distraksyon. Mag-focus dahil nasa crucial stage ka ng iyong career. Mahirap nang mabutasan pa sa maliit na pagkakamali. Lucky color: Yellow, lucky number: 16.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Minsan sa pagrerelaks lumulutang ang iyong magagandang ideya. Gawin ito upang makapagpahinga isip. Huwag munang problemahin ang maaaring mangyari bukas. Lucky color: Gray, lucky number: 47.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iwasang pagsabay-sabayin ang mga gawain para hindi malito. Ingat sa paghawak ng malaking ha­laga. Mas mabuting may kasama para sa dobleng pag-iingat. Lucky color: Red, lucky number : 25.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Manatili muna sa pamilyar na lugar. Hilaw pa ang balak na pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Marami pang dapat gawin at tapusin. Ma­ging maingat din sa pagdedesisyon sa isyung may kinalaman sa relasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magpokus sa iyong sarili. Isantabi muna ang mga emosyunal mong pangangailangan. May mga conflict sa paligid na mas mabuting wag pansin. Mahirap para sa iyo madamay kaya mas makabubuting gumawa na lamang ng kinakailangang adjustment. Lucky color: Gold, lucky number: 3.