Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/16/2018

0 281

SHAMCEY SUPSUP
Birthday:
May 16, 1986

Independent at free-spirited. Ilan lang ‘yan sa kilalang traits ng mga Taurus wo­man. Alam niya kung paano gagawin ang mga bagay nang mag-isa at hindi takot sa challenges ng bagong proyekto. Mas gusto niya na solo na magtrabaho kaysa sa grupo. Assertive at hindi isyu sa kanya kung iba ang manguna lalo na kung partner niya ito sa pag-ibig.

ARIES (March 21-April 19) – May something sa hangin na parang tumutulak sa iyo para magbago. Magbago ng istayl sa pananamit. Baguhin ang dekorasyon sa bahay. Kung walang budget, alisin lang ang mga gamit na nakakalat at hindi na ginagamit pa. Lucky color: Brown, lucky number: 4.

TAURUS (April 20-May 20) – May magandang balita na magpapasaya sa umaga mo. Kabilaan ang pressure, huwag magpatalo. Umupo muna sa isang tabi at hayaang kumalma ang paligid. Lucky color: Black, lucky number: 20.

GEMINI (May 21-June 20) – Oras na para isiping muli ang mukha ng mga taong nakasalubong ngayon. May magandang aral sa iyo ang mga nangyari, lagi itong isipin para hindi na maulit pa. Lucky color: Pink, lucky number: 5.

CANCER (June 21-July 22) – Mamili ng mga bagong gamit. Magbago ng istayl at sumabay sa uso. Oras na para sundin ang gusto at hindi kung paano mapi-please ang ibang tao. Lucky color: Orange, lucky number: 37.

LEO (July 23-August 22) – Maraming insecurities na kailangang labanan. Walang dapat ikahiya dahil malinis ang iyong pagkatao. Huwag si­rain ang pagtitiwala sa sarili dahil sa sinasabi ng iba. Magkaroon ng sariling paninindigan. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 30.

VIRGO (August 23-September 22) – May mapapalagpas na magandang oportunidad. Mag-observe dahil may isang tao na laging nakatingin. Mas magiging masaya kung hahayaan lang mangyari ang mga bagay na wala sa iyong control. Lucky color: Silver, lucky number: 19.

LIBRA (September 23-October 22) – Maraming tanong tungkol sa sarili. Huwag pilitin ang taong hindi pa handa sa seryosong usapan. Maghintay ng tamang panahon dahil mapakla ang hinog sa pilit. Lucky color: White, lucky number: 48.

SCORPIO (October 23-November 21) – Makinig sa mga suhestiyon dahil baka may mapulot na maganda dito. Maging humble dahil hindi lahat ng tao ay kaya mong mapasunod. Lucky color: Gold, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Agapan ang maliit na problema para hindi na lumaki. Maging pantay sa pakikitungo sa miyembro ng pamilya. Isang kaanak ang naghihintay sa iyong paglapit, gawin na ito sa lalong madaling panahon. Lucky color: Gray, lucky number: 22.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May kailangang mabago. Alam mo kung ano ito pagkagising mo pa lang sa umaga. Ayusin ang kalusugan para maging maayos ang pakiramdam. Bumili ng bagong damit at magpagupit ng buhok. Lucky color: Red, lucky number: 17.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Big­lang magbabago ang pakiramdam sa sarili. Minsan masaya pero kasunod ay feeling down na. Kaysa maapektuhan ang pamilya, bakit hindi mo subukan na mag-iba ng lugar. Maraming maiisip na gawin sa iyong pag-iisa. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

PISCES (February 19-March 20) – I-check ang alarm para hindi ma-late sa appointment. Mas gusto mo ngayong mapag-isa muna. Maraming iniisip kaya hindi makatulog. Magpatingin sa doktor para magamot ang sakit na nararamdaman. Lucky color: Gray, lucky number: 5.