Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/16/2019

218

Shamcey Supsup
Kaarawan: Mayo 16, 1986
Sa pag-ibig at pakikipagkaibigan, patok na true partner ang mga Taurus girl. Ayaw nila ng sinungaling. Tapat sila sa mga taong malapit sa kanilang puso. Hindi rin sila nakakalimot sa pangako. Gagawin nila ang lahat para matupad ito. Magaling silang kumilatis ng mababait at manloloko.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Wag magpokus sa mga nagawang mali. Nangyari na ito kaya mas mabuting kalimutan na lang. May mga hamon sa kasalukuyan na kailangang paghandaan. Tagum-pay na ang kasunod nito. Lucky color: Silver, lucky number: 2.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May tensyong sa trabaho na medyo kumplikado. Ibigay ang iyong best at huwag paapekto. Pagkakataon para magpakitang-gilas. Nakasalalay dito ang iyong promosyon. Lucky color: Gold, lucky number: 40

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May mga ideya na kailangan mo munang pag-aralan. Hindi basta-basta ang gagawin kaya’t pag-isipan ding mabuti. May hatid na excitement ang mga pinaplano na posibleng magsalba sa lumalabong relasyon. Lucky colo­r: Violet, lucky number: 28.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May isang tao na biglang umiwas sa iyo. Marami kang tanong na walang kasagutan. Sa halip na magpokus sa kanya, ituon muna ang pansin sa mga naiwang trabaho. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Wag nang magsayang ng oras sa pakikipagtalo. Masasayang langbang iyong energy. Gawin ang tama at gusto. Walang pagsisisihan sa nabuong desisyon. Lucky color: Silver, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Gawin ang lahat para maghilom ang suga­t. Kailangang tulungan ang sarili na makalimot. Umpisahan ang bagong ikaw sa pag-iiba ng anyo at style. Mag-eksperimento sa pananamit kung nais mo ng bagong impresyon sa sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) ­– Ikakagulat ang naging sukli sa magandang nagawa. May hatid na kilig ang mga titig. Mabubuhay ang puso na matagal nang manhid sa atensyon ng iba. Lucky color; O­range, lucky number: 17.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21­) –Hindi tamang magtago lihim sa iyong partner. Mas mapapadali ang mga plano mo kung may katulong sa pag-iisip. Wag mangamba dahil kusang lalabas sa bibig ang mga gustong sabihin. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Bigyan ng oras ang taon na may malaking bahagi sa buhay mo. Magiging super busy ngayong araw pero pili-ting isingit ang pagpapahinga. Kailangan mabawi ang lakas na nawala dahil sa stress. Lucky color: Brown, lucky number: 12.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pagkatapos ng mga kasiyahan ay may mare-realize sa sarili. Batid mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo. May pagdedesisyon na kailangang gawin sa hinaharap. Ilatag na ang mga opsyon. Lucky color:Blue, lucky number: 21.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magpokus sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Walang puwang ang mga negatibo na magdadala ng lungkot. Baguhin ang ugali na matagal nang inirereklamo ng mga kasama. Lucky color: White, lucky number: 19.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Importanteng araw ito kung may negosyo ka. Tuloy –tuloy ang dating ng suwerte. Malaki ang maitutulong sa iyo kung gagawin nang tama ang mga diskrate. Hangga’t wala kang nasasagaan na iba ay walang dapat ipag-alala. Lucky color: Gray, lucky number: 53.