Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/17/2019

256

Kris Bernal
Kaarawan: Mayo 17, 1989
Kapag may ginusto na baga­y o anupaman, gagawin lahat ng Taurus girl para makamit ito. ‘Di naapektuhan ng pressure, bagkus mas challenging sa kanila kapag nasusubukan ang kanilang galing at talino

ARIES (Mars­o 21-Abril 19) –H­uwag basta maniwala sa magandang ipinapakita ng isang tao. Magbiga­y ng limitasyon sa pakikipagrelasyon. Isang tao ang magpapakawala ng isang malaking tanong na magpapawindang sa iyo sa araw na ito. Ihanda ang sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi ito ang tamang panahon para pumasok sa commitment. Hindi matutuwa sa isang balita. Alamin ang pinag-uugatan ng isang matagal nang a­litan sa pamilya. Gawin ito habang maayos pa ang resamahan ng isa’t isa. Lucky color: Brown, lucky number: 46.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Komprontahin ang taong alam mo na nagpapakalat ng balit­a tungkol sa iyo. Balikan ang mga nangyari dahil posibleng may nakaligtaan ka. Magin­g totoo sa iyong personal na buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 27.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Marami kang tanong sa iyong damdamin. Wag hayaang mapasok ka sa patibong. Pahalagahan ang saril­i. Maraming bagay na nakakalito kapag bulag ka sa katotohanan. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maraming stress sa paligid. Nasa iyo na lang kung magpapaapekto ha. Ngayon ang tamang oras para mag-meditate. Subukang kumausap mg isang tao na pinagkakatiwalaan mo para sa mga pa-ngangailangang emosyunal. Lucky color: White, lucky number: 12.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nag-aalala ka sa takbo ng iyong relasyon. Alam mo sa iyong sarili na maraming problema dahil sa magkasalungat na opinyon sa buhay. Manalig na maayos din ang lahat basta uumiral ang pagbigayan at pagmamahal. Lucky color: Blue, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Maraming bagay na dapat ayusin sa iyong sarili at sa iyong buhay. Huwag pabayaan ang magandang pundasyon ng pagsasama. Nasa iyong kamay nakasalalay ang kinabukasan ng samahan. Lucky color: Gold, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging klaro sa mga detalye na gustong ipara-ting. Isang kaibigan ang lalapit at maraming sasabihin. Makinig muna at saka na timbagin ang sarili kung maniniwala o hindi. Lucky color: Maroon, lucky number:9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi ito ang panahon para sa ma- lakihang desisyon. Kung plano mong magsimula ng relasyon o mag-asawa, mas mabuting ipagpaliban ito. Samantalahin ang pagbusisi sa mga bagay na dating hindi pinapansin. Lucky color: Silver, lucky number: 16.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May bagay na pumipigil sa iyo. May gusto kang isigaw subalit hindi mo magawa. Huwag matakot na dalhin sa ibang level ang relasyon. Kalimutan na ang mga hindi magandang karanasan at kabigauan. Lucky color: Violet, lucky numbe­r: 20.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May misyon na kailangang tuparin. Piliin ang mga kaibigan. Huwag mag-alala sa mga pagbabago ng direksyon dahil kailangan na itong mangyari ngayon. Mahalaga ang relasyon kaya’t huwag itong pabayaan. Lucky color: Red, lucky number:22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Bisitahin ang mga dating kaibigan. Masayang pag-usapan ang mga nakaraan, mabuti man ito o hindi. Ngayon ang tamanang panahon para kali-mutan na ang mga away. Yakapin ang kasuyo na may takot sa nakaraan. Lucky color: Blue, lucky number: 45.