Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/18/2019

296

Pope John Paul II
Kaarawan: Mayo 18, 1920
Kalmado at maayos­ makitungo sa lahat. Masikap sa buhay dahil gusto niyang maging secured kahit na hindi naman niya kailangan. Mas gusto niyang maging simple kahit kaya niya ang magarbong buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nasa loob ng bahay at pamilya ang pokus ng araw na ito. Isang isyung nagpapabigat sa pamilya ang dapat na lutasin. Magkaroon ng bukas na komunikasyon para sa kaliwanagan ng lahat. Lucky color: Pink, lucky number: 55.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May pagkakataon na makakaramdam ng lungkot. Mahirap ipaliwanag kung saan ang pinanggaga­lingan nito. Pero unti-unti ay maliliwanagan sa tulong ng isang espesyal na kaibigan. Lucky color: Red, lucky number: 50.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Importanteng maging palakaibigan sa mga bagong kasamahan. Isa sa kanila ang magkakaroon ng malaking papel sa buhay mo. May mga mensaheng posibleng hindi agad maunawaan ng ilan Magpakatatag. Lucky color: Gold, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag nang patagalin para baguhin ang isang dapat baguhin sa iyong mga pananaw sa buhay. May kinalaman ito sa iyong pangarap na gustong makamit. Sayang ang oras at panahon kung pa­tuloy na iiwasan ang mga bagay na importante sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 35.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas lalakas ang karisma mo kung papanatilihin ang pagi­ging misteryosa. Marami ang nakamasid at nagmamatayag. Ilang malalapit sa iyo ang magpapakita ng interes. Ingat sa gwapong manloloko. Lucky color: Silver, lucky number: 46.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Malakas ang iyong impluwensya. Kaya mong makuha ang gusto pero alam mo na hindi ito ang magpapaligaya sa iyo. Mas malalim na kahulugan ang buhay ang nais mong makamit. Dagdagan ang pasensya at paghihintay. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Alam mo ang tama at mali. Huwag magpadala sa matatamis na salita. May sensitibong isyu na kahit kontra kang pag-usapan ay hindi matatakasan. Ibigay ang iyong 100 percent effort sa bagong trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 25.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung nararamdaman mong hindi mapagkakatiwalaan ang taong kausap, ay huwag nang ituloy ang planong investment. Magtiwala sa kutob. Maging maingat sa bawat transaksyon partikular kung may kinalaman ito sa pera. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Marami kang dapat gawin at hindi ito magkakaroon ng katuparan kung patuloy na magsisikap. Hindi na dapat pang sayangin ang pagkakataong nabuksan. Sunggaban agad ito at harapin ang bagong challenge sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi magiging tagumpay ang iyong ipinupursige kung solo ka. Kailangan mo nang katuwang na mahalaga sa team work. Sundin ang iyong kagustuhan dahil darating ang tamang araw na ikaw ang tama. Lucky color: Orange, lucky number:33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May ilang hadlang sa gustong gawin pero ito’y malalagpasan kung determinado ka. Hindi rin masamang bigyang pansin ang kalusugan. Ipatingin ang matagal nang kirot sa katawan. Lucky color: Yellow, lucky number: 54.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kalimutan na ang mga pagkakamali. Mag-sorry at mag-move on na. Huwag ubusin ang oras sa senti. Maraming rason para magpakasaya kaysa malungkot. Tignan ang paligid para sa ibang perspective sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.