Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/19/2019

257

Marjorie Barretto
Kaarawan: Mayo 19, 1974

Malalim kung mag-isip kaya naman minsan ay mahirap silang pakibagayan dahil sa kakaiba nilang ugali. Pero kapag nakilala mo silang mabuti, mabubura ang mga negatibong bagay tungkol sa kanila. Masarap silang kasama at may natatagong kapilyahan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Iwasang mag-isip ng anumang negatibo. Tatagan ang kalooban. Hindi mapipigil ang anumang kaganapan. Sadyang may araw na masaya at malungkot. Lucky color: Green, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Itigil muna ang anumang ginagawa at harapin ang bisita. May mahalaga itong sadya kaya’t asikasuhin. Pigilan ang sarili sa hindi magandang sasabihin. Mahirap nang magsisi sa bandang huli. Lucky color: White, lucky number: 33

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Isipin ang kapakanan ng mas nakakarami. May biglang lakad na kaila­ngang unahin. Huwag basta mag-akusa nang walang pruweba. Makinig sa taong malumanay magsalita dahil mas maganda ang opinyin nito. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matatamasa ang resulta ng mga sakri­pisyo. May dapat isaalang-alang pagdating sa pamilya. Sila ang mas dapat na unahin higit lahat ng bagay. Magkakaroon ng katahimikan ang konsensya pagkatapos ng pag-uusap. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Magi­ging masaya ang simula ng iyong araw. Dahil ito sa isang tao na lagi mong nasisilayan. May napipintong announcement na iyong ikakagulat. Kalma ka lang dahil matagal mo na itong inaasam. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Magpakumbaba kung nasasakot ka man sa isang kontrobersya. Lalabas din ang katotohan sa paglipas ng araw. ‘Wag hayaang masira ang diskarte sa sobrang pag-aalala. Lucky color: Yellow, lucky number: 52.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Madaling magagawa ang mga trabaho. Kakaibang sigla ang hatid ng bagong inspirasyon. Maging masaya sa accomplishment ng mga kasamahan. May ibang su­werte na darating para sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –May darating na dagdag sa iyong pananalapi. Gamitin ito sa tamang paraan. Hindi laging pasko kaya’t magtabi ng pera. Hindi rin masamang samantalahin ang araw na ito para ituloy ang heart-to-heart talk sa taong minamahal. Lucky color: Red, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Magagawa mong makumbinsi ang isang taong mahirap kausap. Dahil ito sa iyong malakas na convincing power. May kailangan lamang na adjustment sa attitude para malagpasan ang mga pagsubok. Lucky color: Yellow, lucky number: 4

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Hindi mo kailangang maging sunud-sunuran kung alam mong ikaw ang nasa tama. Ipakita rin na kaya mong magdesisyon na mag-isa. Ma­ngingibabaw ang pagmamahal kaysa sa galit sa isang taong may nagawang kasalanan sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 50.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Sundin ang payo ng pinagkakatiwalaang kaibigan. Nasa maayos na iyong kinalalagyan kaya’t huwag nang sirain pa ito dahil lang sa inggit. Kotrolin ang sarili. Kailangang itapon ang isang bagaheng matagal nang nagpapabigat sa buhay, gawin ito sa lalong madaling panahon. Lucky color: Maroon, lucky number: 23.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Malakas na emosyon ang kailangan mong kaharapin. Mahirap paglabanan ang nararamdamam kahit pa masakit. May magiging sagabal sa iyong mga plano. Mag-ingat sa taong hindi mo kilala. Lucky color: Violet, lucky number: 40.