Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/20/2019

289

Hayden Kho
Kaarawan: Mayo 20, 1980

Nauunawaan niya ang kahalagahan ng emosyon sa pakikipagtalik at isa siya sa mga best lovers sa mga zodiac signs. Hindi sila mahirap mahalin dahil sa taglay nilang karisma. Sa tamang motibasyon, kaya niyang maibigay ang tunay na kaligayahan sa piling ng kanyang kasuyo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Lahat ay kumbinsido na isa kang masipag na tao. Pero dapat may limitasyon sa trabaho. Hindi dapat sinasagad ang lakas. Iwasan lamang ang sobrang pagpupuyat na maa­ring makasama sa kalusugan. Lucky color: Pink, lucky number: 28.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May sopresang matatanggap mula sa kasuyo. Magagawa mong lagpasan ang isang boring na routine. Humanap ng bagong hobby. Kailangan mong matatagtag para bumalik ang dating sigla ng katawan. Lucky color: White, lucky number: 38.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tama lang na talikuran ang isang tradisyon sa pamilya kung nagdudulot ito ng restriksyon sa iyong buhay. Makakaunawa ang iyong mga kapamilya. Iwasan lang muna na magkomento tungkol dito. Lucky color; Violet, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Positibo ang epekto sa iyo ng isang bagong kakilala. Marami kang matutunan sa kanya na maaring makatulong sa isang planong negosyo. Hindi masamang ikonsidera ang isang partnership. Marami kayong mapagtatagumpayan kung pagsasamahin ang inyong pu­wersa. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masamang gumastos basta’t nasa limitasyon. Kailangan lamang na magtira para may madukot. Kontrolin ang tukso ng makakasira sa samahan. Lucky color: Silver, lucky number: 19.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Patuloy kang mamamayagpag dahil sa taglay na talino. Iwasang ipagbayang ang mga narating. Hayaan na ang mga tao ang lumapit at pumuri sa iyo. May ilang kontra na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon. Lucky color: Brown, lucky number: 46.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May dalang suwerte ang uumpisahang plano. Dahil ito sa kasama na magaling sa negosyo. Ingatan na huwag masira ang magandang samahan na siyang buwenas sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 7.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magaganda ang mga ideya mo. Sa malapit na hinaharap, maaari kang mabigyan ng mas mabigat na papel na magdadala sa iyo ng maraming pera. Huwag pabayaan ang ibang responsibilidad. Lucky co­lor: Gray, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isa kang magaling na lider kaya’t kinaiinggitan. Kalma lang sa mga paninira. Isang personal na relasyon ang magkakaroon ng pagbabago. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 25.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May isang biyahe sa malayong lugar. Maaring sa simu­la ay manibago ka pero kalaunan ay magagamay mo rin ang bagong lugar. Isipin ang mas magandang buhay na naghihintay sa iyo sa bagong oportunidad. Lucky color: Red, lucky number: 19.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nakakapagpasaya sa iyo ang pagtulong sa kapwa. Ito ang larangan na mas bagay sa iyong personalidad. Iwasan lamang magpadikta sa mga gustong magsamantala. Hayaan ang iba ang magbitaw ang pinal na desisyon kung wala ka pang ibang opsyon.Lucky color: Orange, lucky number: 12.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may dapat sabihin, idiretso na ito sa taong gustong kausapin. Mas magiging malinaw ang mensahe at madali itong matatanggap kung sa iyo mismo magmumula. Ingat lang sa mga salita na may double meaning. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.