Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/23/19

402

HOROSCOPE

Kaarawan: Mayo 23, 1984
Masipag at tunay na maasahan. Nasa kanya ang magagandang katangian ng isang perfect worker. Isang negative traits nila ang pagiging mapagtanim ng galit. Madali silang masaktan at mahirap aluin.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –– Kung hindi ka kikilos ngayon, mawawala na ang oportunidad para gawin ang gusto mo. ‘Wag patalo sa takot dahil marami kang magagawa at mapapatunayan kapag wala kang inaalala. Matutong mag-focus. Lucky color: Gold, lucky number: 29,

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –– Sa pagkakataong ito, mas paborable ang pagtutulungan ng pamil­ya. May mga isyu na kailangang resolbahin. May mga komplikasyon na mareresolba sa tamang pag-uusap. Lucky color: Yellow, lucky number: 12.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– May mga sitwasyon na kailangang tanggapin ang mga ganap. Sa mga ganitong pagkakataon masusukat ang iyong pasensya. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– Maitutu­ring na blessing ang mga pagkakamali. Sa una ay pagkadismaya ang naramdaman subalit sa mga susunod na araw ay ipagpapasalamat mo ang lahat. Magtiwala sa sariling desisyon. Lucky color: Blue, lucky number:10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Kahit may delay sa mga plano, ituloy langito. Iwasan ang sisihan para hindi masayang ang oras. Hindi makakatulong ang salita, kung walang aksyon. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang tutulong. Makikilala mo ngayon ang mga tunay na nag mamalaksakit sa iyo. ‘Wag munang pairalin ang pride. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Mababawasan ang nararamdaman mong stress kung babawasan ang pag-iisip. Bantayan ang mga nangyayari sa paligid para hindi na mabigla. Magpa­salamat sa mga blessing na natatanggap. Lucky color: Yellow, lucky number: 22.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –– Magiging madali ang mga bagay kung nakikiayon ang lahat. Pero hindi mapupuwersa ang ibang tao na ibigay ang kanilang suporta kung talagang ayaw nila. Respetuhin na lamang ang posisyon ng lahat. Lucky color: Red, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) ––Kailangan mo lamang ng determinasyon. May mga pagsubok at hadlang sa iyong daan pero ang lahat ng ito’y kayang resolbahan. Manalig sa sariling kakayahan. Lucky color: Maroon, lucky number: 18,

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –– Kahit anong praktis at paghahanda ang gawin, may pagkakataong hindi maiiwasan ang pagkakamaliat aberya. Bigyan ng palugit ang sarili dahil sa mga pagkakamali tayo nagiging mas matatag. Lucky color: Silver, lucky numer:33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –– Kung noong una ay naninibago ka pa sa mga pagbabago, ngayon ay unti-unti mo nang nagagamay ang lahat. Mas magiging komportable na ang mga aksyon mo. Lucky color: White, lucky number:22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –– Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang magtatama ng mga mali ng iba. Bigyan mo rin ng pagkakataon ang mga tao sa paligid mo na maging mas responsible sa kanilang ginagawa. Lucky color: Pink, lucky number: 22.