Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/25/2019

526

Gelli de Belen
Kaarawan: Mayo 25, 1973
May mabuting puso pero madalas na naloloko dahil sa sobrang kabaitan. Kailangan ng mga babaeng Gemini ng suporta ng mga kaibi­gan at pamilya para ganap na makita ang kanyang kahalaga­han at importansya bilang tao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May diskusyon na kailangan mong tutukan sa loob ng pamilya. Iwasan lamang na manghusga. Huwag hayaang masira ang magandang samahan dahil lang sa maliit na bagay.
Lucky color: White, lucky number: 10.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Panahon na lang ang makakahilom sa naging sugat. Panatilihin ang tiwala sa sarili. Ito ang magiging susi ng magandang kapalaran. Maging humble sa mga taong may magandang sinasabi tungkol sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas komportable ka ngayon sa bagong lugar na napunta­han. Nakikita mo rin na marami ang nagmamahal sa iyo. May mga araw na kailangang malagpa­san ang sobrang kalungkutan. Lucky color: Red, lucky number: 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung may kailangan kang pabor, matutong makiusap. Hindi lahat ng oras ay ikaw ang masusunod. Kung may mga taong duda sa iyo, hayaan sila na tumuklas sa iyong kakayahan. Lucky color: Gray, lucky number: 18.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maging sensitibo sa iyong sinasabi. Maraming tao sa pali­gid mo ang maaaring masaktan. Makabubuting manimbang para walang matapakan. Lucky color: Gold, lucky number: 9.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Masuwerte sa isang bagay na bagong bili. Magi­ging masaya sa lovelife. Ituring na pagsubok ang nangyari kahapon. Hindi lahat ng mga tanong mo ay masasagot. Maging mahinahon. Lucky color: White, lucky number: 45.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May bagong inspirasyon. Kakaiba ang hatid nitong kilig sa iyo. Tandaan lamang ang mga pangaral na para sa iyong kabutihan. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung single ka pa, mas malakas ngayon ang atraksyon sa isang tao na laging kasama. At kung may partner na, mas lalo mong mararamdaman ang commitment. Anuman ang sitwasyon mo, mas nakatutok ang araw na ito sa romansa. Lucky color: Silver, lucky number: 38.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maraming opinyon. Subukang makinig bago magdesisyon. Magiging gabay ang isang tao na hindi mo inakalang makikilala. Huwag pagdudahan ang malinis nitong hangarin. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iwasang mag-panic. Lahat ng bagay ay nakukuha sa mabuting usapan. Kontrolin din ang sarili upang hindi makapagbitiw ng padalos-dalos na desisyon. Lucky color: Brown, lucky number: 22.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Lawakan ang pang-unawa sa pinag-uusapan. Masusubukan ngayon ang galing sa pagkilatis sa totoong kaibigan. Isang lumang gamit ang magbibigay sa iyo ng maraming alaala. Lucky color: Silver, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag talikuran ang responsibilidad. Nakasalalay dito ang magandang pangalan. Pansinin ang pasa­ring ng isang kasama na may itinatagong tampo. Yayain itong kumain para makausap. Lucky color: Yellow, lucky number: 12.