Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/31/2019

320

Sara Duterte-Carpio

Kaarawan: Mayo 31, 1978
Mahilig mag-travel ang mga babaeng Ge­mini. Hindi sila takot sumubok ng mga bagong oportunidad. Kaya nilang mag-adopt sa anumang lugar at sitwasyon. Masarap silang kasama at kausap dahil sa kanilang mala­kas na sense of humor.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Mara-ming kaabalahang hatid ang bagong trabaho. Maganda ang daloy ng pananalapi. May isang maliit na aberya pero malalagpasan. May mala-king hamon sa lovelife na makasisira o magpapatibay ng pagsasama. Lucky color: Red, lucky number: 42.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Produktibong araw ito sa career. Mapapansin ng mga boss ang effort at pagsisikap mo. Ang creativity mo ay walang limitasyon . Ito ang magdadala sa iyo sa totoong tagumpay. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang iyong pamilya ang magiging suporta at lakas. Gawin silang bahagi sa mga nakakamit na tagumpay. ‘Wag isantabi ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa iyo. Matutong magpasa­lamat. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Marami kang matutunan sa araw na ito. Ang bawat positibong itinatanim mo ay dobleng resulta. I-enjoy lamang ang mga nangyayari. Lucky co-lor: Yellow, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May mala­kas na kaway o hatak ang pangingibang b­ayan. Ikondisyon ang utak. Kailangang malaman mo ang totoong gusto. Kung ikokonsidera mo ito, iwasan munang maging emosyunal at sentimental. May mga bagay na dapat isakripisyo. Lucky color: Silver, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Anuman ang pinagkakaabalahan mo, hindi masamang pansamantalang iwan muna ito at pag-ukulan ng pansin ang isyung pampamilya. Bigyang prayoridad ang mga mahal sa buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Bago ang ibang tao, mas unahin ang sariling kapakanan. Kung mapapaganda pa ang pisikal na kaanyuan, dagdag self-confidence ito para sa iyo. Huwag pansinin ang mga kontra sa iyong balak na gawin. Alam mo ang tama at mabuti. Lucky color: Red, lucky number 20.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May niluluto kang pasabog. Paghandaan itong mabuti para maramdaman ng iyong mga mahal ang pagpapahalaga mo sa kanila. Maraming oportunidad para madagdagan ang kita. Lucky color: Green, lucky number: 28.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis-yembre 21) –Posibleng may ilang aberya na hindi maiwasan ngayon. Ihanda ang sarili. Maaa­ring magkasakit kung magpapabaya. Madaling maka­babawi sa mga susunod pang araw kung gugustuhin. Lucky color: Maroon, lucky number 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malaki ang papel ng isang kaibigan sa isyung pampamilya. Bigyan din sila ng sapat na atensyon. Sa gitna ng kaabalahan sa trabaho, ‘wag kaligtaan ang sariling kalusugan. Lucky color: Brown, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas produktibo ang araw na ito para sa iyo. Marami ang makapapansin sa kakaibang glow. Dala ito ng inner peace na nararamdaman. Huwag haya­ang masira ito dahil lang maling mga balita. Lucky color: White, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Sa dami ng iyong natulungan, marami ka ring darating na mga blessing. Hindi mo man hingin ay kusang ibibigay sa iyo. Magpatuloy sa pagtulong dahil kakaibang saya din ang dulot nito sa iyong puso. Lucky color: Gold, lucky number: 4.