Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/02/19

234

Wendy Valdez
Kaarawan: Hunyo 2, 1982

Related Posts

May pagkamisteryosa ang personalidad. Hindi masalita at medyo mailap. Hindi sila ang klase ng tao na mabilis kaibiganin. Malalim sila kung tumi­ngin sa katauhan ng taong lumalapit sa kanila. Pero kapag naka-vibes mo na, mas madali maintindihan ang kanilang pagkatao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Naiipit ka sa dala­wang matinding pagnanais. Ang pagpapasaya sa iyong sarili at sa ibang tao. Mas unahin ang kapaka­nan. Hindi mo malulutas ang nararamdaman mong kulang kung uunahin ang ibang tao. Lucky color: Green, lucky number: 30.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –May lalapit at kokomprontahin ka. Alisin ang takot. Sagutin lang ang mga tanong ng tama at totoong kasagutan. Makikita ang maturity sa magiging resulta ng mga ginagawa at gagawin pa. Lucky color: Red, lucky number: 7.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Praktisin ang self-medidation. Hindi kailangang sumagot sa bawat tanong. Piliin ang taong kakausapin para hindi masayang ang oras. Huwag mahiyang ipakita ang mga talent. Lucky color: O­range, lucky number: 13.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Dalhin sa next level ang kasalukuyang relasyon. Samantalahin ang malakas na energy na gumabagay sa iyo sa negosyo. Nasa tamang direksyon kaya ituloy lang ang magandang simula. Lucky color: Gray, lucky number: 5.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –I-enjoy ang nararamdamang kapayapaan ng puso. Ngayong natapos na ang mga gulo sa paligid, mas mag-focus ngayon sa mga bagay na gusto mong gawin. I-evaluate ang mga nangyari sa nakalipas na araw para magka-ideya sa anumang gumugulo sa iyo. Lucky color: Green, lucky number:39.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Mag-e-enjoy sa araw na ito. May career issues na nagbibigay sa iyo ng sakit ng ulo. Hayaan lang ang mara­ming kaganapan sa paligid. Hindi kailangang mag-react kung hindi ka naman kasali sa usapan. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.
LIBRA (Setyembre 23- Oktubre 22) – Magi­ging masaya at may magpapangiti sa iyong mga labi. Makakaramdaman ng kakaibang lakas ng loob. Magiging possible ang mga imposible dahil sa suporta ng mga mahal sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 50.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Marami kang tanong na mahirap sagutin. Tignan sa positibong anggulo ang mga nangyari. I-enjoy ang makukulay na kapaligiran. Huwag nang palakihin ang maliit na isyu. Lucky color: Violet, lucky number: 30.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag mong takasan ang mga komprontasyon. Magi­ging daan na ito para maging malinaw ang lahat sa iyo. Tanggapin ang res­ponsibilidad na ibinigay sa iyo, ‘wag itong iwasan. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.
CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Mas lumalalim ang pagmamahal sa isang tao. Hindi mo na mapipigilan ang damdamin kahit pa gusto mo itong kontrolin. ‘Wag matakot sa hinaharap dahil wala ka naman dapat na alalahanin. Lucky co­lor: White, lucky number: 30.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging complicated ang rela­syon dahil ito sa mga nakatagong damdamin na hindi mailabas. Subukang unawain ang sarili. Bagama’t mahirap ipaliwanag, unti-unting makikita ang pinagmumulan ng iyong emosyon. Lucky color: Blue, lucky numbe: 3.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ibaba ang ego o pride. Walang mangyayari sa samahan kung palaging ikaw ang masusunod. Pagbigyan ang ibang mga kasama na may magandang ideya. Matutong magbigay dahil hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang nasa itaas. Lucky color: Gold, lucky number: 55.